Caritas Philippines, hinamon ang pamahalaan na bigyan ng tunay na pagkilala ang medical workers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 778 total reads

Ang mga medical workers na nagsisilbing frontliners sa laban ng bansa mula sa banta ng panganib na dulot ng COVID-19 virus ang maituturing na mga bagong bayani.

Ito ang ibinahagi ni Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – National Director ng Caritas Philippines kaugnay sa paggunita ng bansa sa Araw ng mga Bayani o National Heroes Day.

Ayon sa Obispo, kabilang sa kanyang partikular na panalangin ay ang lahat ng mga Pilipinong medical frontliners na pumanaw at inialay ang kanilang mga buhay sa laban kontra COVID-19.

Giit ni Bishop Bagaforo, nawa ay ganap na mabigyang pagkilala ng pamahalaan ang lahat ng mga sakripisyo at pagpupursige ng mga medical frontliners na gampanan ang kanilang tungkuling sinumpaan sa larangan ng medisina sa kabila ng panganib sa kanilang buhay at pagkalayo sa mga mahal sa buhay.

“My prayers today is for all our Pilipino doctors, nurses, and medical people who have died because of COVID-19. They are our national heroes today!! I urge our government to recognize them soonest.” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Tema ng National Heroes Day 2021 ngayong taon ang “Heroism of Each Filipino, Key to Victory and Humanity” na naglalayong kilalanin ang kabayanihan ng bawat isa para sa pagtatagumpay ng buong bayan mula sa iba’t ibang mga pagsubok sa kasalukuyan kabilang na ang COVID-19 pandemic.

Samantala, una ng nagpahayag ng suporta at tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pananalangin para sa kapakanan ng mga medical frontliners sa bansa na hindi matatawaran ang sakripisyo na makapagkaloob ng serbisyong medikal sa kabila ng mga nakabinbing pangakong benipisyo ng pamahalaan.

Kabilang sa mga pangakong benepisyo ng pamahalaan para sa mga medical frontliners ay ang meal allowance, transportation allowance at accomodation allowance gayundin ang Special Risk Allowance at Active Hazard Duty Pay.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,897 total reads

 11,897 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 13,149 total reads

 13,149 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 27,390 total reads

 27,390 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 64,768 total reads

 64,768 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 96,038 total reads

 96,038 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 171,509 total reads

 171,509 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 264,406 total reads

 264,406 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,598 total reads

 25,598 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top