VeritasPH

The Word, The Truth

Aninag ng liwanag ng katarungan

SHARE THE TRUTH

 162 total views

Mga Kapanalig, naaalala pa ba ninyo ang kaso ni dating Police Staff Sergeant Jonel Nueza?

Siya ang dating pulis na bumaril sa mag-inang Sonia Gregorio at Frank Anthony limang araw bago mag-Pasko noong nakaraang taon sa Paniqui, Tarlac. Binaril sila matapos ang mainit na pagtatalo dahil sa paggamit ng boga, isang uri ng pampaingay tuwing Kapaskuhan. Nakunan ng video ang karumal-dumal na krimen at agad itong kumalat sa social media. Nagtamo ng tama sa ulo ang nanay habang yakap-yakap ang kanyang anak, na binaril din sa ulo.

Noong isang linggo, napatunayan ng korteng guilty sa dalawang kaso ng murder si Nuezca. Hinatulan siya ng reclusion perpetua o apatnapung taong pagkakabilanggo para sa bawat kaso. Iniutos din ng korte na magbayad ang dating pulis ng halos isang milyong piso sa naiwang pamilya nina Sonia at Frank Anthony. Ikinalugod ng pamunuan ng Philippine National Police (o PNP) ang anila’y mabilis na paggawad ng katarungan sa mag-ina at kanilang naulilang pamilya. Para kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, patunay ang mabilis na paglabas ng hatol ng korte na “umiiral ang hustisya sa ating bansa at kailanman ay hindi kinukunsinti ng [PNP] ang ganitong uri ng pulis.”

Aninag ng liwanag ng katarungan ang balitang ito. Maging paalala rin sana ito sa ating mga tagapagpatupad ng batas na tungkulin nilang pangalagaan ang buhay ng mga Pilipino, hindi ang magpalaganap ng takot at ang pagbantaan ang ating buhay. Akmang paalala para sa kanila ang nasasaad sa Mateo 5:9: “Mapalad ang mga nagtataguyod ng kapayapaan, sapagkat sila ay ituturing na mga anak ng Diyos.” Naniniwala tayong mayroon pa ring mga matitinong pulis—mga pulis na gumaganap sa kanilang tungkuling panatilihin ang kapayapaan sa ating bayan, mga pulis na gumagalang sa buhay ng kanilang kapwa, mga pulis na tapat na naglilingkod para sa kapakanan ng lahat.

Ngunit umaasa tayong magiging mabilis din ang paggawad ng katarungan sa iba pang biktima ng mga pulis na gumagawa ng baluktot na mga gawain. Malaking tulong sa pagdinig sa kaso ni Nuezca ang video na nakunan at ang salaysay ng kumuha nito. Paano naman ang mga kasong walang matibay na ebidensya at hindi naibabalita? Paano ang mga pagpatay na walang mga nakasaksi? Paano ang mga pang-aabusong hindi nakukunan ng camera at nagmistula nang kalakaran ng mga pulis? Napakaraming mga ganitong kaso, lalo na sa ilalim ng nagpapatuloy na giyera ng pamahalaan laban sa droga.

Katulad sa ibang sektor at institusyon, malalim ang ugat ng pag-abuso sa kapangyarihan sa ating pulisya. At hindi lamang ito tumindi sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, bagamat kung inyong maaalala, sinabi noon ni Pangulong Duterte na kung makapapatay ng sanlibong tao ang mga pulis sa pagtupad nila ng kanilang tungkulin, poprotektahan daw niya sila.

Ang paggamit ng karahasan ng ating mga tagapagpatupad ng batas ay masasabing salamin ng ating pagpapahalaga sa buhay at dignidad ng tao, mga bagay na pinahahalagahan natin sa pananampalatayang Kristiyano. Sabi nga sa Catholic social teaching na Mater et Magistra, ang buhay ng tao ang pundasyon ng anumang panlipunang institusyon, katulad ng polisya. Sa ibang bansa nga, may mga panawagang buwagin ang pulisya dahil nagiging instrumento sila ng karahasan at lumalabag mismo sa dangal ng buhay ng tao. Hindi pa naman tayo umaabot sa ganitong punto, at huwag naman sana.

Mga Kapanalig, kasabay ng ating pagdarasal para sa mga pulis, manatili tayong mapagmatyag sa kanilang mga ginagawa. Bilang mga lingkod-bayan, bahagi sila ng isang panlipunang institusyong naatasang pangalagaan ang lahat; magkamali ang isa sa kanila, tiyak na madadamay ang lahat. Bilang mga mamamayan, tungkulin nating bantayan sila at huwag hayaang abusuhin ang awtoridad na iniatang natin sa kanila.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 2,463 total views

 2,463 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 10,448 total views

 10,448 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 17,984 total views

 17,984 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 33,970 total views

 33,970 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 42,014 total views

 42,014 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 2,464 total views

 2,464 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 10,449 total views

 10,449 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 17,985 total views

 17,985 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 33,971 total views

 33,971 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 42,015 total views

 42,015 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,304 total views

 45,304 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,729 total views

 43,729 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,515 total views

 45,515 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,440 total views

 42,440 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,754 total views

 56,754 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,444 total views

 60,444 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,047 total views

 59,047 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,034 total views

 69,034 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,002 total views

 73,002 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,889 total views

 83,889 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top