Augustinian Province of Sto. Nino de Cebu, nagkaloob ng replica image sa Pontifical Parish of St. Anne

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 910 total reads

Nagkaloob ng replica image ng Santo Niño de Cebu ang Augustinian Province of Santo Niño de Cebu – Philippines sa Pontifical Parish of Saint Anne sa Vatican.

Ang naturang imahen ay ipinagkaloob ng Augustinian Province of Santo Niño de Cebu – Philippines sa pamamagitan ng Basilica Minore del Santo Niño de Cebu sa pangunguna ni Archdiocese of Cebu Archbishop Jose Palma na kasalukuyang nasa Vatican City.

Nasasaad sa mensahe ni Rev. Fr. Andres Rivera, JR., OSA – Prior Provincial ng Augustinian Province of Santo Niño de Cebu – Philippines na nawa ay maging daluyan ang imahen ng Santo Niño de Cebu ng higit pang pagpapalalim ng debosyon ng bawat mananampalataya sa Holy Child o sa Batang Hesus.

Magsisilbi ang naturang imahen bilang official image ng European Pilgrimage ng Santo Niño de Cebu sa Europa.

Ayon sa Pari ang pagkakaloob ng imahen ng Santo Niño de Cebu sa Pontifical Parish of Saint Anne sa Vatican ay bahagi rin ng patuloy na paggunita at pagdiriwang ng Simbahang Katolika sa bansa ng ika-500 anibersaryo ng pagdating ng naturang imahen sa Pilipinas kasabay ng pananampalatayang Kristiyano.

PHOTO SOURCE: The Roman Catholic Archdiocese of Cebu

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 98,893 total reads

 98,893 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 175,821 total reads

 175,821 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 209,269 total reads

 209,269 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 244,569 total reads

 244,569 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 467,296 total reads

 467,296 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top