Maging mabuti at responsableng katiwala ng kalikasan-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 641 total reads

Hinikayat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang bawat mananampalataya na maging mabuti at responsableng katiwala ng ating nag-iisang tahanan.

Ito ang panawagan ni Cardinal Advincula sa kanyang pagninilay sa banal na Misa para sa pagsisimula ng Season of Creation ngayong taon na isinagawa sa Minor Basilica of the Immaculate Concepcion o Manila Cathedral.

Ayon kay Cardinal Advincula, ang lahat ng likas na yamang nilikha ng Diyos ay handog para sa sangkatauhan at malayang magamit ng sinuman, ngunit sa paglipas ng panahon ay naging mapagmalabis at mapagsamantala na ang mga tao sa paggamit nito.

Paliwanag ng kardinal na ang kapabayaang ito ng mga tao ang naghantong sa pagiging limitado ng mga likas na yaman para sa lahat at dahilan din ng pagbabago ng natural na sistema ng mundo na nagdudulot ng iba’t ibang sakuna.

“This is the call to each of us to be responsible stewards of creation… When we do not recognize the gifts that we have received, we fail to be responsible stewards. And once we fail to be responsible stewards and start acting as they are our possessions, we will never share them with others as gifts. We may even use the gifts to take advantage of others,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Samantala, hinimok naman ni Cardinal Advincula ang lahat na samahan ang Kanyang Kabanalan Francisco para sa intensyon ngayong buwan ng Setyembre na hinihikayat ang lahat na mamuhay nang simple at naaayon sa paraang makatutulong upang mapangalagaan at mapanatili ang ating inang kalikasan.

Hinihiling din ng kardinal na nawa’y sa pamamagitan ni San Francisco ng Assisi na patron ng kalikasan ay masimulan ng bawat mananampalataya ang paggunita sa Season of Creation nang may pasasalamat at maisabuhay ang layuning maging responsableng katiwala ng Poong Maykapal.

“With the inspiration of Saint Francis of Assisi, let us embark on the season of creation with gratitude for the gifts we have received and a firm resolve to share and be responsible stewards of God’s gifts,” ayon kay Cardinal Advincula.

Ngayon ang ikasiyam na taon ng paggunita sa Season of Creation sa Arkidiyosesis ng Maynila magmula nang ito’y ilunsad sa buong Arkidiyosesis noong taong 2012.

Kasabay nito ang paggunita sa ikaanim na taon ng World Day of Prayer for Care of Creation na idineklara ni Pope Francis noong taong 2015.

Tema ng Season of Creation ngayong taon ang ‘A Home for All? Renewing the Oikos of God’ na ipagdiriwang sa buong mundo mula unang araw ng Setyembre hanggang Oktubre 4, kasabay ng kapistahan ni San Francisco ng Assisi.

Ngunit dito sa Pilipinas ay pinalawig ito hanggang sa ikalawang linggo ng Oktubre upang ipagdiwang ang Indigenous Peoples’ Sunday.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,230 total reads

 13,230 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 14,385 total reads

 14,385 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 29,395 total reads

 29,395 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 66,772 total reads

 66,772 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 98,042 total reads

 98,042 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 173,411 total reads

 173,411 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 266,214 total reads

 266,214 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,145 total reads

 74,145 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top