Gamitin ang kapangyarihang bumoto sa kapakanan ng lahat, panawagan ng CEAP-NCR sa mga botante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 796 total reads

Ang demokrasya ay isang regalo ng Diyos para sa bayan at kanyang mamamayan.

Ito ang binigyang diin ni Rev. Fr. Nolan Que, Regional Trustee ng Catholic Educational Association in the Philippines – National Capital Region (CEAP-NCR) sa online launching ng One Godly Vote na isang election campaign bilang paghahanda sa nakatakdang ng halalan sa susunod na taon.

Ayon sa Pari, ang halalan ay isang mahalagang sangkap ng demokrasya ng bansa kung saan kaakibat nito ang biyaya sa bawat mamamayan na pumili at maghalal ng mga pinuno na may pananagutan sa Diyos at sa bayan.

Paliwanag ni Fr. Que, ang kalayaan at kapangyarihan na bumoto ay kinakailangan gamitin para sa kapakanan o ikabubuti ng lahat at hindi para lamang sa pansariling kapakinabangan.

“Kami po ang CEAP-NCR ay naniniwala na ang demokrasya ay isang regalo mula sa Diyos, ang biyayang bumoto ay ang ating kalayaan upang pumili kung sino ang mamumuno sa ating bansa. Naniniwala kami na dapat gamitin ng mga Pilipino ang kalayaan na bumoto para sa ikabubuti ng lahat at hindi lang para sa pansariling kapakinabangan. Ang pagboto ay pagpili ng isang pinuno na may pananagutan sa Diyos at sa ating bayan.” pahayag ni Fr. Que sa online launching ng election campaign na One Godly Vote.

Pagbabahagi ng Pari na siya ring Chairperson ng National Christian Formation Commission (NCFC) ng CEAP, kabilang sa mga ginagawang hakbang bilang paghahanda ng organisasyon ay ang pananawagan at pagbubukas ng kamalayan hindi lamang ng mga mag-aaral at mga guro kundi ng mga kawani at alumni ng mga kasaping paaralan ng CEAP.

Iginiit ni Fr. Que, kinakailangan ang matalinong pagpili at pagsusuri sa karakter at paninindigan ng mga kandidato kaugnay sa mga usaping panlipunan na tunay na nakakaapekto sa buhay ng bawat mamamayan.

Bukod dito, binigyang diin rin ng Pari ang pananalangin at pagninilay upang hilingin ang paggabay ng Panginoon sa pagkakaroon ng malinaw na isip at kalooban upang magpasya para sa ikabubuti ng mas nakararami.

“Kami sa CEAP-NCR, kami ay patuloy na nananawagan sa aming mga tauhan, sa aming mga personel, mga guro, sa aming mga mag-aaral at maging sa aming mga alumni na gamiting itong tungkulin at prebilehiyo na bumoto, suriin ang moral na karakter at indibidwal na paniniwala ng ating mga ihahalal na pinuno, higit sa lahat manalangin at hilingin sa Diyos na liwanagan ang ating isipan at palakasin ang ating kalooban para tayo magpasya at gamitin ang kapangyarihag bomoto ng maayos.” Dagdag pa ni Fr. Que.

Ang election campaign na One Godly Vote ng Archdiocese of Manila Commission on Social Communications na binubuo ng Radyo Veritas 846, TV Maria at Archdiocesan Office of Communications ay isang hakbang at ambag ng mga organisasyon ng Simbahan para sa paghahanda sa nakatakdang halalan sa susunod na taong 2022.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 19,146 total reads

 19,146 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 19,801 total reads

 19,801 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 37,738 total reads

 37,738 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 75,116 total reads

 75,116 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 106,384 total reads

 106,384 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 181,257 total reads

 181,257 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 273,609 total reads

 273,609 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 26,851 total reads

 26,851 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top