Diocese of Catarman, nakiki-isa sa pagdiriwang ng Season of Creation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 842 total reads

Nakikiisa ang Diocese ng Catarman, Northern Samar sa pagdiriwang ng Season of Creation ngayong taon hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Sa mensahe ni Catarman Bishop Emmanuel Trance, hinihiling nito na nawa ang bawat isa ay muling ialay ang mga sarili upang magampanan ang misyong iginawad ng Diyos sa sangkatuhan bilang mga katiwala at tagapangasiwa ng sangnilikha.

Dagdag pa ni Bishop Trance na sa kabila ng kapabayaan at pagsasamantala ng mga tao sa likas na yaman ng mundo, matagpuan nawa ng bawat isa ang pagsisisi sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga katuruan at gawaing naaangkop upang mapangalagaan at mapanatili ang ating nag-iisang tahanan.

“We in [Diocese of Catarman] joins the whole Church in this celebration! May we recommit ourselves to our Common Vocation as Stewards of Creation! For our neglect and irresponsible stewardship, may we show true repentance by common and individual concrete actions of owning failures and mistakes against the Oikos of God,” mensahe ni Bishop Trance sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, sinabi naman ni Legazpi, Albay Bishop Joel Baylon na ang paggunita sa Season of Creation ay panawagan sa bawat mananampalataya na itaguyod ang pangangalaga sa inang kalikasan kahit sa simpleng paraan.

Ito’y maaaring sa pamamagitan ng wastong pagtatapon ng basura, pag-iwas sa paggamit ng mga single-use plastics, maging ang pagtataguyod sa pangangalaga at pagmamalasakit sa kapaligiran na makatutulong upang unti-unting mabawasan ang epekto ng pagbabago ng klima at pag-init ng temperatura ng mundo.

“This year’s Season of Creation is an urgent call to all of us to do our best in whatever way we can to save our planet from an irreversible condition brought about by global warming,” pahayag ni Bishop Baylon sa Radio Veritas.

Tema ngayong taon ng Season of Creation ang ‘A Home for All? Renewing the Oikos of God’ na ipagdiriwang sa buong buwan ng Setyembre hanggang Oktubre 10 bilang paggunita sa Linggo ng mga Katutubo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 101,947 total reads

 101,947 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 178,711 total reads

 178,711 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 212,159 total reads

 212,159 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 247,459 total reads

 247,459 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 470,044 total reads

 470,044 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,498 total reads

 158,498 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top