Gamitin ang kapangyarihang bumoto sa kapakanan ng lahat, panawagan ng CEAP-NCR sa mga botante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 668 total views

Ang demokrasya ay isang regalo ng Diyos para sa bayan at kanyang mamamayan.

Ito ang binigyang diin ni Rev. Fr. Nolan Que, Regional Trustee ng Catholic Educational Association in the Philippines – National Capital Region (CEAP-NCR) sa online launching ng One Godly Vote na isang election campaign bilang paghahanda sa nakatakdang ng halalan sa susunod na taon.

Ayon sa Pari, ang halalan ay isang mahalagang sangkap ng demokrasya ng bansa kung saan kaakibat nito ang biyaya sa bawat mamamayan na pumili at maghalal ng mga pinuno na may pananagutan sa Diyos at sa bayan.

Paliwanag ni Fr. Que, ang kalayaan at kapangyarihan na bumoto ay kinakailangan gamitin para sa kapakanan o ikabubuti ng lahat at hindi para lamang sa pansariling kapakinabangan.

“Kami po ang CEAP-NCR ay naniniwala na ang demokrasya ay isang regalo mula sa Diyos, ang biyayang bumoto ay ang ating kalayaan upang pumili kung sino ang mamumuno sa ating bansa. Naniniwala kami na dapat gamitin ng mga Pilipino ang kalayaan na bumoto para sa ikabubuti ng lahat at hindi lang para sa pansariling kapakinabangan. Ang pagboto ay pagpili ng isang pinuno na may pananagutan sa Diyos at sa ating bayan.” pahayag ni Fr. Que sa online launching ng election campaign na One Godly Vote.

Pagbabahagi ng Pari na siya ring Chairperson ng National Christian Formation Commission (NCFC) ng CEAP, kabilang sa mga ginagawang hakbang bilang paghahanda ng organisasyon ay ang pananawagan at pagbubukas ng kamalayan hindi lamang ng mga mag-aaral at mga guro kundi ng mga kawani at alumni ng mga kasaping paaralan ng CEAP.

Iginiit ni Fr. Que, kinakailangan ang matalinong pagpili at pagsusuri sa karakter at paninindigan ng mga kandidato kaugnay sa mga usaping panlipunan na tunay na nakakaapekto sa buhay ng bawat mamamayan.

Bukod dito, binigyang diin rin ng Pari ang pananalangin at pagninilay upang hilingin ang paggabay ng Panginoon sa pagkakaroon ng malinaw na isip at kalooban upang magpasya para sa ikabubuti ng mas nakararami.

“Kami sa CEAP-NCR, kami ay patuloy na nananawagan sa aming mga tauhan, sa aming mga personel, mga guro, sa aming mga mag-aaral at maging sa aming mga alumni na gamiting itong tungkulin at prebilehiyo na bumoto, suriin ang moral na karakter at indibidwal na paniniwala ng ating mga ihahalal na pinuno, higit sa lahat manalangin at hilingin sa Diyos na liwanagan ang ating isipan at palakasin ang ating kalooban para tayo magpasya at gamitin ang kapangyarihag bomoto ng maayos.” Dagdag pa ni Fr. Que.

Ang election campaign na One Godly Vote ng Archdiocese of Manila Commission on Social Communications na binubuo ng Radyo Veritas 846, TV Maria at Archdiocesan Office of Communications ay isang hakbang at ambag ng mga organisasyon ng Simbahan para sa paghahanda sa nakatakdang halalan sa susunod na taong 2022.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 48,775 total views

 48,775 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 92,383 total views

 92,383 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 175,890 total views

 175,890 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 189,394 total views

 189,394 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top