Mahalagang papel ng Simbahan sa 2022 national elections, kinilala ng COMELEC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 588 total views

Naniniwala ang Commission on Elections (COMELEC) na mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng mga opisyal at lingkod ng Simbahan upang magabayan ang bawat mamamayan sa mahalagang pagdidesisyon para sa nakatakdang halalan.

Ito ang bahagi ng pahayag ni COMELEC Commissioner Ma. Rowena Amelia Guanzon sa mahalagang papel ng Simbahan para sa nakatakdang 2022 National and Local Elections sa naganap na election webinar ng Catholic Educational Association in the Philippines (CEAP).

Ayon kay Guanzon, higit na mas malawak at katiwa-tiwala ang impluwensya sa taumbayan ng Simbahang Katolika lalo na sa usapin ng pagpapamalas ng pagmamahal sa bayan at mahahalagang usaping panlipunan.

Partikular na tinukoy ni Guanzon ang pangangailangan ng gabay ng mga kabataan lalo na ang mga first time voters sa pagpapasya at paraan ng pagsusuri sa kung sino ang karapat-dapat na mga opisyal na ihalal para sa nalalapit na halalan.

“There may be no Catholic vote but I think that our elders and or leaders of the Church have a duty to guide all of us especially young people on what it means for you and the country if you vote wisely. So our spiritual elders can tell us the consequences when they educate us on how to use this votes, what are the standards for a good candidate, they can also teach us what would be the consequences,” pahayag ni Guanzon.

Pagbabahagi ni Guanzon, bagamat walang tinatawag na Catholic vote ang mga Katoliko dahil sa ipinagkaloob ng Panginoon na ‘freewill’ ay mahalaga ang tungkulin ng mga lingkod at opisyal ng Simbahan upang magabayan ang bawat isa sa pagninilay sa tama at makabubuti para sa mas nakararami.

“More than the majority of our Filipinos are Catholic and they send their children to Catholic schools yet there is no Catholic votes, because the Catholics we Christians believes that God gave us freewill and so that why there is no Catholic vote because the Catholic church does not want to imposed its will on the people,” dagdag pa ni Guanzon.

Sa kasalukuyan patuloy ang puspusang kampanya ng Simbahan para sa nalalabing araw ng voters registration ng COMELEC na magtatagal na lamang hanggang sa ika-30 ng Setyembre.

Samantala, inaanyayahan ng Catholic Educational Association in the Philippines (CEAP) ang bawat isa na balikan ang mga naging talakayan sa election webinar series ng organisasyon na may titulong “Vote, Pray, and Love: The Meaning and Power of Our Vote” at “Tender Love n’ Citizenship: Ways to be Involved in the 2022 Elections” sa YouTube channel ng CEAP na CEAP Channel.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 58,122 total views

 58,122 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 101,730 total views

 101,730 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 184,922 total views

 184,922 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 197,685 total views

 197,685 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top