354 total views
Bubuksan ng muli ng Commission on Elections (COMELEC) ang voter’s registration process sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine.
Ayon sa COMELEC, mula ika-6 ng Setyembre ay maaari ng makapagpatala ang mga hindi pa rehistradong botante sa mga tanggapan ng ahensya na nasa ilalim ng MECQ mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon, tuwing Lunes hanggang Sabado at maging holidays.
Pagbabahagi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez, bukod sa mga tanggapan ng ahensya ay maari ring magparehistro sa mga piling mall satellite registrations sites na katuwang ng COMELEC.
“Beginning September 6, 2021, the Commission on Elections will resume the conduct of voter registration in all areas nationwide which are under the Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) status. The voter registration schedule in MECQ areas will be 8:00AM to 5:00PM, Mondays to Saturdays, including holidays. All types of applications may be submitted at the Office of the Election Officer (OEO), or in mall satellite registration sites,” anunsyo ni Jimenez.
Ipinaliwanag ni Jimenez na bilang patuloy na pag-iingat mula sa banta ng COVID-19 virus ay mahigpit na ipinatutupad ng ahensya ang pagsunod sa minimum health and safety protocol kung saan tatanggap lamang ng limitadong bilang ng walk-in applicants at ipinapayo ang paggamit ng appointment system para sa mas mabilis na proseso.
Sa kabila nito, mananatili namang suspendido ang voters registration sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil na rin sa mas delikadong sitwasyon sa mga nasabing lugar.
Una ng binigyang diin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity na mahalaga ang pakikibahagi bahagi ng bawat isa sa nakatakdang halalan hindi lamang bilang pagpapamalas ng pagmamahal sa bayan kundi maging para sa kapakanan at kabutihan ng mga susunod pang henerasyon.
Sa kasalukuyan puspusan ang kampanya ng Simbahan para sa nalalabing araw ng voters registration ng COMELEC na magtatagal na lamang hanggang sa ika-30 ng Setyembre.