Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CHR, nakikiisa sa paggunita ng National Indigenous Peoples month

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 755 total views

Nagpahayag ng pakikibahagi ang Commission on Human Rights (CHR) sa paggunita ng National Indigenous Peoples Month at sa ika-24 na anibersaryo ng paglagda sa Indigenous People’s Rights Act (IPRA).

Ayon kay CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana na nangangasiwa sa Focal Commission on Indigenous People’s Rights, kaisa ng buong bansa ang kumisyon sa patuloy na pagsusulong sa dignidad at mga karapatan ng mga katutubo sa buong bansa.

“The Commission on Human Rights (CHR) joins the entire Filipino nation in commemoration of the National Indigenous Peoples Month and the 24th year anniversary of the signing of the Indigenous People’s Rights Act (IPRA).” pahayag ni Pimentel-Gana.

Binigyang diin ng opisyal na marami pa ring mga kinahaharap na suliranin ang mga katutubo sa buong bansa na dapat masolusyunan kabilang na ang pagkakaloob ng basic social services tulad ng health care lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Pagbabahagi pa ni Gana, kinakailangan rin ng mga katutubo ang patuloy na suporta at legal na representasyon sa patuloy na suliranin sa pagkamkam ng ilang mga pribadong indibidwal at kumpanya sa kanilang lupang ninuno.

Iginiit ng kumisyon na mahalagang higit pang paigtingin ng mga lokal na pamahalaan ang pagtugon sa pangangailangan ng mga katutubo lalo na ngayong pandemya.

“Based on CHR experience, access to basic social services like health care and land-related harassments remains to be the main problem facing indigenous communities during this pandemic. Hence, we continue to call for the protection of indigenous minorities, especially children caught in conflict and those communities subject to land-grabbing. We urge local government units to do their utmost to ensure that health care and vaccines remain accessible to indigenous communities.” Dagdag pa ng CHR Commissioner

Umaasa naman ang komisyon na sa ika-24 na anibersaryo ng paglagda sa Indigenous People’s Rights Act (IPRA) na may temang “IPRA @ 24: Ang Paglalakbay ng mga Katutubong Mamamayan para sa Tunay na Pagkilala, Paggalang, at Sariling Pamamahala” ay higit pang mamulat ang bawat isa sa tunay na kalagayan at sitwasyon ng mga katutubong humaharap sa iba’t ibang uri ng karahasan at pagmamalupit.

Ginugunita sa bansa ang Buwan ng Katutubong Pilipino tuwing Oktubre sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 1906 na nilagdaan noong 2009 na naglalayong mabigyang pagkilala at proteksyon ang karapatan at mga pangangailangan ng mga Indigenous Cultural Communities at mga Indigenous Peoples sa bansa.

Tema ng National Indigenous Peoples (IP) Month ngayong taon ang “Katutubong Filipino: Atin ang Tagumpay!”.

Nasasaad sa encyclical ng Kanyang Kabanalan Francisco na Laudato Si ang pagbibigay diin sa malaking pagpapahalaga sa mga katutubo na kalikasan.

Sa tala nasa 14 hanggang 17 milyon ang populasyon ng mga Indigenous Peoples sa bansa na halos karamihan o 61-porsyento ay nasa Mindanao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 84,753 total views

 84,753 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 152,241 total views

 152,241 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 173,306 total views

 173,306 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 194,080 total views

 194,080 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 224,458 total views

 224,458 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top