Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 693 total reads

Ang pandemyang ito ay hindi lamang nagdala ng sakit at kahirapan sa mga mamamayan, nagdala din ito ng ibayong kalungkutan, anxiety, at depression sa nakakarami. Ang pandemyang ito ay hindi lamang laban ng tibay ng katawan o lalim ng bulsa, naging labanan din ito ng damdamin.

Kapanalig, hindi natin matatatwa na kahit nagka-COVID man o hindi, ang mental at emotional toll, o ang bigat nito sa ating puso’t isipan ay minsan kay hirap dalhin. Sobrang kalungkutan at pag-aalala ang nadarama ng maraming tao – dahil ang pandemya ay tila death sentence ang hinahatol para sa kalusugan pati kabuhayan ng maraming tao.

Maraming pag-aaral ang nagpapakita na umakyat ang prevalence o bilang ng nakakaranas ng anxiety at depression mula March 2020 sa buong mundo. Sa ibang mga bansa, dumoble pa ito. Ang mga panahong pinakamataas ang anxiety o depresyon ay tuwing mas mataas ang bilang ng mga namamatay dahil sa COVID, o sa mga panahong mahigpit ang mga mobility restrictions.

Ang nagpapalala pa nito ay ang mga disruptions sa mental health services sa panahon ng pandemya. Ayon nga sa WHO, napatigil o nagambala ng pandemya ang mga critical mental health services sa 93% ng mga bansa sa buong mundo habang umaakyat naman ang demand para dito.

Kapanalig, malalim ang problema na ito at mahirap malapatan ng solusyon. Ang hamon dito ay pagbibigay ng nararapat na aksyon na hindi lamang patse-patse o piecemeal. Komprehensibo dapat ang approach sa mental health dahil hindi ito gaya ng  ordinaryong sakit ng ulo na mabigyan mo lang ng gamot ay giginhawa na ang pakiramdam. Ang anxiety at depression ay debilitating o nakakapanghina, at hindi lamang minsanan o gamot ang treatment o lunas.

Panahon na upang ating mapalawig pa ang mas malalim na pang-unawa sa anxiety at depression.  Kapag nauunawaan ng lipunan na ang mga nararamdaman ng mga mamamayan nito ay hindi arte lamang, o isolated, o normal, kanya itong malalapatan ng agarang aksyon. Ang anxiety at depression ay hindi biro, at malaki rin ang implikasyon nito hindi lamang sa kagalingan ng indibidwal, kundi pati sa pamayanan nito at ang malakawang lipunan. Napakahalaga nito – ayon nga sa Evangelium Vitae, “Decisions that go against life sometimes arise from difficult or even tragic situations of profound suffering, loneliness, a total lack of economic prospects, depression and anxiety about the future.” Ang maayos na approach o pagharap ng lipunan sa anxiety o depresyon ay isa sa mga susi sa mabilis na pagbangon ng mga mamamayan sa anumang trahedya, gaya ng pandemya.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 7,187 total reads

 7,187 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 89,102 total reads

 89,102 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 190,828 total reads

 190,828 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 227,616 total reads

 227,616 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 257,926 total reads

 257,926 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pahirapang dagdag-sahod

 7,188 total reads

 7,188 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 89,103 total reads

 89,103 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 190,829 total reads

 190,829 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 227,617 total reads

 227,617 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »
Scroll to Top