Pamahalaang nararapat sa atin

SHARE THE TRUTH

 202 total views

Mga Kapanalig, ipinapaalala sa atin sa mga Kawikaan 25:4-5 na kapag nawala sa kapangyarihan ang masasama, iiral ang katarungan sa bayan. Kaya naman, napakahalagang sa darating na eleksyon, pakinggan natin ang ating konsensya at piliin ang mga lider na hindi man perpekto ay nagsusumikap namang maging matuwid, makatarungan, at patas. Piliin natin ang mga lider na may integridad—mga kumikiling sa mabuti at iwinawaksi ang mali. Sabi pa rin sa mga Kawikaan 16:12, “’Di dapat tulutan ng isang pinuno ang gawang kasamaan, ‘pagkat ang katatagan ng pamamahala ay nasa katarungan.”

Mahalagang saligan ng katarungan ang katotohanan. Binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan na tungkulin ng bawat isa sa ating kumilos patungo sa katotohanan, ang igalang ito, at maging responsableng saksi rito. Kung ang ating pamumuhay at pakikipag-ugnayan sa ating kapwa ay nakabatay sa kung ano ang totoo at tama, nagiging makabuluhan ang mga ito at samakatuwid ay naitataguyod ang ating dignidad. Ang pagkilala sa dignidad natin at ng ating kapwa ang mag-uudyok sa ating kumilos para tiyaking lahat ay makapamumuhay sa isang makatarungang lipunan—walang iniiwan, walang isinasantabi, walang inaapakan.

At malaki ang papel ng mga pinuno ng bayan upang mapangalagaan ang katotohanan at umiral ang tunay na katarungan. Naniniwala tayong matalino ang mga botanteng Pilipino, bagamat marami silang lehitimong isinasaalang-alang kapag pumili ng mga lider. Ngunit huwag sana nating kalimutang piliin ang mga kandidatong hindi nagsisinungaling, hindi naghahangad ng kapangyarihan para sa sariling interes, at hindi nabubuhay sa karangyaang bunga ng kawalang-katarungan.

Madali lang namang gawin ito.

Halimbawa, kung nagagawa ng isang kandidatong magsinungaling tungkol sa kanyang edukasyon upang palabasing mataas ang kanyang pinag-aralan, hindi kaya mas malaki ang mga kasinungalingang kanyang gagawin kapag namumuno na siya? Kung nagagawa ng isang kandidatong lumusot sa batas katulad ng hindi pagbabayad ng tamang buwis, anong kabaluktutan kayâ ang kaya niyang gawin kapag tangan na niya ang kapangyarihan sa pamahalaan? Kung nagagawa ng isang kandidatong magpakalat ng maling impormasyon upang pagtakpan ang pagnanakaw na ginawa ng kanilang magulang, makaasa ba tayong magiging tapat siya sa kanyang posisyon?

Sa huli, ang kahihinatnan ng ating bayan ay hindi lamang nakasalalay sa ating mga lider. May kasabihan nga, “The government you elect is the government you deserve.” Sa Filipino, ang pamahalaang ating inihahalal ay ang pamahalaang nararapat sa atin. Anong tingin mo rito, Kapanalig?

Nararapat ba sa atin ang isang pamahalaang hindi pinahahalagahan ang katotohanan? Nararapat ba sa atin ang mga pinunong sinungaling at lumalabag mismo sa ating mga batas? Nararapat ba sa atin ang gobyernong harap-harapan tayong ninakawan? Kung “oo” ang iyong sagot sa mga tanong na ito, ano kaya ang sinasalamin nito tungkol sa ating mga pinapahalagahan? Kung “hindi” naman ang iyong sagot, anu-ano ang mga kaya nating gawin upang magkaroon tayo ng pamahalaang tunay na nararapat sa atin?

Sa dami ng krisis na pinagdaanan natin nitong mga nakaraang taon at hanggang sa kasalukuyan—mula sa kaliwa’t kanang patayan sa ngalan umano ng kapayapaan hanggang sa pandemyang nagdulot ng matinding pagdurusa sa marami sa atin—tunay na kritikal ang paparating na halalan. Naghahanap ang ating bayan ng mga pinunong huwaran ng pagtataguyod ng katotohanan, mga pinunong tunay na maglilingkod para sa isang makatarungang lipunan, mga pinunong magbibigay sa atin ng inspirasyong kumilos para at kasama ang ating kapwa.

Mga Kapanalig, bitbitin natin ang paalalang ito ni Pope Francis noong bumisita siya sa Pilipinas noong 2015: “It is now, more than ever, necessary that political leaders be outstanding for honesty, integrity, and commitment to the common good.” At mangyayari lamang ito kung ang mga iboboto natin ay tapat, may integridad, at tunay na may malasakit sa kabutihan ng lahat.

Sumainyo ang katotohanan.

 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 49,308 total views

 49,308 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 54,726 total views

 54,726 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 61,433 total views

 61,433 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 76,226 total views

 76,226 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 82,382 total views

 82,382 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 49,309 total views

 49,309 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 54,727 total views

 54,727 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 61,434 total views

 61,434 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 76,227 total views

 76,227 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 82,383 total views

 82,383 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 41,736 total views

 41,736 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 52,320 total views

 52,320 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 60,537 total views

 60,537 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 44,770 total views

 44,770 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 50,746 total views

 50,746 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 53,839 total views

 53,839 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 43,544 total views

 43,544 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 44,432 total views

 44,432 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 59,735 total views

 59,735 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 72,144 total views

 72,144 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top