Sanib-puwersa para sa kapangyarihan?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 623 total reads

Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng huling araw ng substitution ng mga kakandidato sa darating na halalan, naging mas malinaw na sa atin kung sinu-sino ang mga magkakakampi. May mga umatras pa sa kanilang pagtakbo upang magbigay-daan sa tunay nilang kandidato. ‘Ika nga, nakita na natin ang kanilang tunay na kulay. Ngunit hindi na tayo nagugulat.

Upang magpakita ng kanilang lakas at suporta sa dalawang kandidato para sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan, nagsanib-puwersa ang iba’t ibang national at regional parties sa bansa. Titiyakin daw nila ang pagkapanalo ng anak ng dating diktador at ng anak ng umiidolo rito. “Grand coalition” ang itinawag nila sa pagsasama-sama ng mga grupong pinangungunahan ng mga dating presidenteng sangkot sa iba’t ibang kaso ng katiwalian. Ang isa ay napatunayang guilty sa plunder o pandarambong. Bago natin malimutan, aabot sa apat na bilyong piso ang napunta sa katiwalian nang may basbas niya. Napatunayan ding tumanggap siya ng payola mula sa iligal na sugal. Plunder din ang kasong kinasangkutan ng isa pang dating presidenteng kasama sa koalisyon. Umabot sa mahigit 300 milyong piso mula sa lotto na dapat ipinamahagi sa mga charity institutions ang nakurakot. Matapos ang limang taóng hospital detention, na-acquit siya ng Korte Suprema kaya siya ay malaya na. Bago nito, inaresto siya dahil sa pandaraya sa eleksyon ngunit nagawa niyang makapagpiyansa.

Binuo raw ang “grand alliance” para sa unification o pagkakaisa. Ayon sa kanilang mga kandidato, bunga raw ito ng kagustuhang magkaisa ang bayan at hilumin ang mga sugat ng nakaraan. Ito raw ang magiging daan ng pagsusulong ng iisang layunin para sa mas magandang kinabukasan ng kasalukuyang henerasyon at ng mga susunod pa. Ang alyansa raw ang magdadala ng kapayapaan sa bayang lugmok sa maruming larangan ng pulitika.

Sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, kinikilala ni Pope Francis ang katotohanang narurumihan ang pulitika dahil sa mga pagkakamali, katiwalian, at hindi maayos na pamamalakad ng ilang pulitiko. Kaya naman, nanawagan siya sa isang malusog na uri ng pulitika—isang pulitikang kayang baguhin at pag-ugnayin ang mga institusyon, pulitikang nagsusulong ng mabubuting pamamaraan ng pamamalakad, pulitikang kayang lampasan ang impluwensya ng sistema at mga nagpapatakbo nito. Dagdag pa niya, ang mga pulitikong nais manalo sa halalan ay hindi naman tunay na hinahangad ang kapakanan ng mga susunod na henerasyon, ngunit ito ang hinihingi ng tunay na katarungan o authentic justice.

At ano ang tunay na katarungan? Ito ay katarungang nakabatay sa katotohanan, pag-ibig, at pagmamalasakit sa kapwa. Paano natin makakamit ang katarungan kung patuloy ang pagtatakip sa katotohanan para lokohin ang taumbayan at kalimutan ang kanilang mga kasalanan? Paano natin makakamit ang katarungan kung ang umiiral ay ang pagkapit sa kapangyarihan? Paano natin makakamit ang katarungan kung ginagamit lamang ang mahihina at mahihirap upang isulong ang mga makikitid na interes ng mga nasa poder?

Ngayong halalan, suriin nating mabuti ang mga taong nagsasabing sila ang magdadala ng pagkakaisa gayong sila mismo ang dumudungis sa pulitika. Tingnan natin ang mga nagawa at ginagawa ng mga taong nagpapakilalang maghahatid ng paghilom gayong sila mismo ang nasa likod ng matitinding sugat sa mga biktima ng kasakiman sa kapangyarihan at ng karahasan. Balikan natin kung tunay bang humingi ng pagpapatawad ang mga taong naghahain ng kanilang sarili para sa pagkakaisa nating lahat samantalang malalim na pagkakahati-hati ang kanilang idinulot sa ating bayan.

Mga Kapanalig, sa ating pagpili ng mga iboboto natin sa darating na halalan, pakatandaan natin ang habilin ng Diyos kay Jetro sa Exodo 18:21, “pumili ka ng mga taong may kakayahan, may takot sa Diyos, mapagkakatiwalaan, at ‘di masusuhulan.” Makikipagsanib-puwersa ba tayo sa mga pulitikong ang tanging hangad ay kapangyarihan?

Sumainyo ang katotohanan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 12,223 total reads

 12,223 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 29,563 total reads

 29,563 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 132,311 total reads

 132,311 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 172,869 total reads

 172,869 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 193,323 total reads

 193,323 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 241,016 total reads

 241,016 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BSKE POSTPONEMENT

 29,564 total reads

 29,564 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 132,312 total reads

 132,312 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 172,870 total reads

 172,870 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 193,324 total reads

 193,324 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »
Scroll to Top