Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,003 total reads

Kapag panahon ng kapaskuhan, ang alaala ni Birheng Maria at ni San Jose ay isang mainam na punto para sa sa ating mga personal na year-end reflection. Kahit ano pa man ang ating kasarian, mapa-babae man o lalake, ang buhay ng kanilang pamilya ay makaka-inspire sa ating lahat, habang tayo ay nagbabalik-tanaw sa matatapos na taon at naghahanda para sa 2022.

Kapag iniisip natin ang Inang Maria, karaniwan naiisip natin ang ating mga ina, ang mga kababaihan, ang mga Maria sa ating paligid. Mas matingkad nga ang Canticle of Mary ngayon, dahil ngayong pandemya, mas maraming kababaihan ang nagsabi rin ng “Yes” sa bagong buhay; buhay kung saan sila ay mas pagod, mas hapo, mas naupos. At lahat ng ito, para lang sa kanilang mga minamahal.

Ang pandemya ay nagdala ng mas mabigat at mas maraming hamon sa kababaihan. Sa loob ng halos dalawang taon, mas maraming mga kababaihan ang nanguna sa paglaban sa pandemya sa loob at labas ng bahay. Ayon nga sa isang round-table discussion noong International Women’s Day 2021, 70% ng mga healthcare professionals at researchers na nagtatrabaho kaugnay sa COVID-19 ay mga babae.

Dito naman sa ating bansa, marami sa ating kababaihan ang nakaranas ng kawalan ng trabaho; hindi naman lingid sa ating kaalaman na malaking bulko ng mga nagtatrabaho sa informal sector at tourism industry ay mga babae. Marami sa kanila, nakabalik man sa trabaho, ay hindi pa rin nakakabawi. Tinatayang mga 44% ng mga nawalan ng trabaho noong 2020 ay mga babae.

Ang mga kababaihan din ang sumalo ng mas maraming trabaho sa bahay. Ayon nga sa 2021 National Household Care Survey ng Oxfam, PCW, UN Women, at WeEmpowerAsia,  mga 13 hours kada araw ang ginugugol ng kababaihan sa bayan domestic work, kasama na dito ang pag-aalaga sa mga bata at seniors sa bahay. Nakita rin ng survey na one-third ng kanilang mga nasurvey ay nakaranas ng injury, pagkaka-sakit, o disability dahil sa trabahong bahay.

Kapanalig, ang pagsasabi ng Yes sa pagmamahal sa anak at pamilya ay hindi naman dapat magdulot ng kaparusahan o sakit sa mga kababaihan. Ang ating Mahal na Maria, tinanggap niya ang hamon ng pagkapamilya, pero hindi niya ito tinahak mag-isa. Sa kanyang pag-aalay ng buhay sa Diyos at pamilya, naging katuwang niya si San Jose. At bilang isang sagrada familia, naibunyag nila ang kaluwalhatian at kabutihan ng Diyos.

Ang ehemplo ni Inang Maria at San Jose ay sana’y ating maging inspirasyon. Pinupunan nila ang “gaps” o puwang sa pangangailangan sa kanilang buhay at bahay, at hindi hinayaang naghihirap ang katuwang. Pinakita nila na ang pagmamahal ay team work. Sa ating mundo ngayon kung saan ang gender-balance ay hinahamon ng panahon, ang pagtingin sa kanilang ehemplo ay maaring makatulong sa pagpapagaan ng pasanin ng kababaihan sa panahon ng pandemya.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 249,306 total reads

 249,306 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 281,019 total reads

 281,019 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 382,845 total reads

 382,845 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 423,406 total reads

 423,406 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 433,460 total reads

 433,460 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 249,307 total reads

 249,307 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 281,020 total reads

 281,020 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 382,846 total reads

 382,846 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 423,407 total reads

 423,407 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top