Ang santong suhi at ang multo ni Herodes

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 496 total views

Napag-isipan ko lang naman
hindi upang pagtawanan
kungdi upang makita iba pang 
kahulugan ng kapistahan ng ating
pinagpipitaganang San Blas, 
patron ng mga may sakit 
sa leeg at lalamunan
matapos niyang masagip 
sa kamatayan batang natinik 
ang lalamunan.
Sa aking pagkakaalam,
tinik sa lalamunan nalulunasan 
ng sino mang suhi nang isilang;
ngunit bago ninyo ako pagtawanan
ibig ko sanang inyo ring tingnan
hindi ba't tayo ay nabibilaukan,
nahihirinan, at natitinik sa lalamunan
kapag pilit nating sinusubo, nilulunok
higit sa kaya nating kainin,
pilit inaangkin maski hindi atin?
Pagmasdan at pagnilayan
leeg at lalamunan na pinapagaling
ni San Blas ang siyang bahagi 
sa pagitan ng ulo at katawan kaya 
marahil ang nalalaman ng isipan at 
ang nararamdaman ng puso at kalooban 
hindi magsalakupan dahil nababarahan 
ng kamunduhan leeg at lalamunan
kaya katotohanan at kabutihan
hindi natin masundan at mapanindigan!
Ito rin ang karanasang inilalarawan
sa Banal na Kasulatan tungkol kay
Haring Herodes nang kanyang mabalitaan
mga himala ni Hesus sa pag-aakalang
nabuhay mag-uli si Juan Bautista na
kanyang pinapugatan ng ulo
dahil lamang sa sumpang binitiwan;
nahirinan siya sa kapangyarihan
 at kapalaluan, kaya di kalaunan, gumawa
din ng sariling multong kinatakutan!
Bihag ng kasalanan
kaya si Herodes ay naguguluhan,
 nalilito at hindi magawa ang kabutihan,
naliligalig sa mga ginawang kabuktutan
nang marinig ang Mabuting Balita
 ni Hesus sa tanan;
ganyan din tayo kadalasan:
gumagawa ng sariling multo na katatakutan
nililibang sarili sa kasalanan, kunwa'y
kayang lampasan pinagdaraanan.

Tinawag ni Hesus ang Labindalawa, at sinugong dala-dalawa. Binigyan ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu, at pinagbilinan: “Sa inyong paglalakbay, huwag kayong magdala ng anuman, maliban sa tungkod. Ni pagkain, balutan, salapi sa inyong lukbutan o bihisan, ay huwag kayong magdala. Ngunit magsuot kayo ng panyapak.”

Marcos 6:7-9

Iyan ang bilin ng Panginoon
na sinikap sundin ni San Blas
na siya namang tinanggihan
ni Haring Herodes at mga kagaya niya
hanggang sa kasalukuyan, di alintana
pagdarahop ng karamihan,
nagpapasasa sa kapangyarihan 
at karangyaan hanggang sa mahirinan,
nakalimutan na ang tunay na kayamanan
ay sa Diyos lamang matatagpuan!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 62,733 total views

 62,733 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 92,955 total views

 92,955 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 119,606 total views

 119,606 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 214,579 total views

 214,579 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 231,555 total views

 231,555 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Getting involved

 4,510 total views

 4,510 total views Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday in the Fourteenth Week of Ordinary Time, Year II

Read More »

Human gestures made divine

 8,698 total views

 8,698 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday in the Fourteenth Week of Ordinary Time, Year

Read More »

Learning from Jesus

 12,438 total views

 12,438 total views Lord My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Fourteenth Sunday in Ordinary Time-A, 05 July 2026 Zechariah

Read More »
Scroll to Top