396 total views

8th Sunday of Ordinary Time Cycle C

Sirach 27:5-8 1 Cor 15:54-58 Lk 6:39-45

Ang isang katangian ng panahon natin ngayon ay nadadala tayo ng maraming gawain. Napakabilis ng takbo ng panahon. Napakaraming gagawin. Kaya palaging busy ang tao. We run from one activity to another. Tinatawag ito na activism. Hindi tayo nanahimik. Dahil sa kabisihan na ito, maaaring hindi na tayo marunong tumigil at magsuri. Ito ay totoo hindi lang sa ating mga trabaho kundi pati na rin sa ating paggamit ng social media. Sa napakaraming impormasyon na natatanggap natin, alam ba natin alin dito ang totoo at mahalaga? Kaya ngayong halalan, hinihikayat tayo na magkaroon ng circles of discernment. Magsama-sama tayong magsuri upang alamin ano ba ang totoo at ano ba ang nakabubuti sa bayan.

Ang masama sa activism, maaaring gawa nang gawa tayo na hindi na natin alam ang nangyayari sa atin. Ang ating atensiyon ay nakatuon na lang sa mga deadlines na dapat gawin. Baka nga hindi na natin kilala ang ating sarili mismo. At maaari pa na tayo mismo ay naloloko na ng ating sarili. We can fall into self-deception, na parang ok tayo pero hindi na pala. Kaya hinihikayat tayo ng mga spiritual leaders na magkaroon ng regular na examination of consciousness. Kung gusto nating maging spiritually mature hinihikayat tayo na magkaroon ng madalas na pagsusuri ng ating budhi. Suriin natin hindi lang ang ating ginagawa kundi pati na rin ang ating mga motibo at mga nag-uudyok sa atin na gumawa. Alamin natin ang binubulong ng Diyos sa ating kalooban. Huwag lang tayo magpadala sa trabaho o sa panlabas na gawain. Manahimik at tumingin tayo sa sarili.

Maaaring mangyari na hindi natin namamalayan na lumilihis na tayo ng landas, na tayo pala ay nililinlang na. Paano tayo makakagabay sa iba kung tayo mismo ay hindi nakakakita ng maayos? Iyan ang sinasabi ni Jesus sa bulag na nag-aakay sa bulag. Pareho silang mahuhulog sa butas. Iyan ang sinabi ni Jesus tungkol sa nag-aalok sa iba na tanggalin ang puwing sa kanilang mata, at may nakabalandra palang troso sa kanyang sariling mata. Hindi tayo makakatulong sa iba kung hindi natin kilala ang ating sarili. Magdadagdag lang tayo sa kalituhan ng iba. Kaya tumingin muna tayo sa ating sarili. Suriin natin at kilalanin ang sarili upang makagabay tayo sa iba. Sana nagbibigay tayo ng liwanag at hindi nagdadagdag sa kadiliman ng mga tao.

May mga palatandaan upang makilala natin ang ating sarili. Una, sinabi ni Jesus na malalaman mo ang puno ng kahoy sa kanyang bunga. Ang puno ay avocado kasi nakikita mo na ang bunga ay avocado, at hindi mangga. Maganda ang variety ng puno kasi matamis ang bunga niyang guyabano. Ganoon din sa atin. Malalaman natin ang ating pagkatao sa uri ng ating pamumuhay. Kung palagi tayong sumisigaw at naiinis sa iba, marahil puno ng lason ng galit ang ating budhi. Kung takot ang naghahari sa atin, siguro kulang tayo sa pananalig sa Diyos. Kung tayo ay mapagpasiyensiya marahil mahinahon at mapayapa ang ating budhi. Tingnan po natin ang ating buhay at ang ating ugali at mas lalo nating makikilala ang ating sarili. Kapag nakilala na ang sarili mabibigyan na natin ng direksyon ang ating buhay at makakagabay tayo sa iba.

Pangalawang paraan upang makilala ang ating pagkatao, sabi ni Jesus: “kung ano ang bukam-bibig, siyang laman ng dibdib.” Ito rin ang narinig natin kay Sirach sa ating unang pagbasa: “Ang pagkatao ng sinuma’y makikita sa usapan… Sa pangungusap ng isang tao, damdamin niya’y nahahalata.” Makikilala ang isang tao sa kanyang pananalita. Ang taong magaspang magsalita, maaaring magaspang ang pagkatao niya. Kaya nga ayaw natin sa taong palamura. Hindi maaari na madumi ang kanyang salita at ang puso niya ay malinis. Ang mahahalay na mura na bukam-bibig niya ay nanggagaling sa pag-iisip na mahalay. Gayon din, sa ang taong maayos at magalang na magsalita, panatag tayo na maganda ang kanyang ugali. Kaya nga narinig natin kanina: “Huwag mo munang purihin ang isang tao hanggang hindi nakapagsalita, sapagkat doon mo pa makikilala ang tunay niyang puso’t diwa.”

Kaya nga bago natin tanggapin sa trabaho ang isang aplikante hindi lang sapat na makita natin ang kanyang Curriculum Vitae o CV. Ini-interview siya. Higit na makikilala natin ang tao sa pamamagitan ng interview. Tatanggapin ba natin sa trabaho ang isang aplikante na ayaw magpa-interview? Hindi! Kaya nga nadidismaya tayo sa mga kandidato na ayaw makiisa sa candidates’ fora. Ang mga candidato ay mga aplikante sa taong bayan kung tatanggapin ba natin sila sa posisyon na gusto nilang makuha. At ang candidates’ fora ay parang pag-iinterview sa kanila sa harap ng mga mamamayan kung may kakayahan ba sila at kung ano ang saloobin nila. Sa kanilang pagsasalita natin sila masusukat. Ang ayaw sumali sa candidates’ fora ay may tinatago sa taumbayan.

Noong tinanong ang Greek philosopher na si Socrates kung ano ba ang dapat gawin ng isang tunay na philosopher, ang kanyang sagot ay: Know thyself. Kilalanin mo ang iyong sarili. Ang philosopher ay may mga disciples. Kung hindi niya kilala ang kanyang sarili, saan niya dadalhin ang kanyang mga disciples? Kaya papaano natin makikilala ang ating sarili? Tingnan natin ang bunga ng ating mga gawain. Kung mabuti ang bunga ng ating gawain, mabuti tayo. Suriin din natin ang ating pananalita. Ang ating salita ay salamin ng ating puso.

Sa Miyerkules ay bubuksan na natin ang apatnapung araw ng Kuaresma. Ito ay mahabang panahon na pakikinig sa Salita ng Diyos, pagninilay at panalangin. Labanan natin ang activism. Huwag nating punuin ng panlabas na gawain ang ating buhay. Kaya maging mapagnilay at madasalin tayo ngayong panahon ng kuwaresma. Ika nga: Hinay hinay lang. Sana makakumpisal din tayo. Sa pangungumpisal, mas nakikilala natin ang ating sarili at natutulungan tayong magbagong buhay. Sama-sama tayong lumapit at kumapit sa Diyos pagdating ng panahon ng kuwaresma.

Bishop Broderick Pabillo

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 48,638 total views

 48,638 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 54,056 total views

 54,056 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 60,763 total views

 60,763 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 75,556 total views

 75,556 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 81,712 total views

 81,712 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 3,686 total views

 3,686 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 9,004 total views

 9,004 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 11,162 total views

 11,162 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 13,320 total views

 13,320 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 13,670 total views

 13,670 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 27,140 total views

 27,140 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 3, 2024

 27,569 total views

 27,569 total views 3rd Sunday of Lent Cycle B Ex 20:1-17 1 Cor 1:22-25 Jn 2:13-25 Kilala natin si Jesus na isang taong malumanay, mapagpatawad at mapagpasensya. Siya ay matulungin sa nangangailangan at madaling lapitan. Pero kakaibang Jesus ang napakinggan natin ngayon sa ebanghelyo. Pinagtabuyan niya ang mga taong nagtitinda sa templo, hinagupit ang kanilang mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 25, 2024

 31,613 total views

 31,613 total views 2nd Sunday of Lent Cycle B Gen 22:1-2.9.10-13,15-18 Rom 8:31-34 Mk 9:2-10 Hindi madali ang panawagan sa atin ng kuwaresma kung talagang seseryosohin natin itong gawin. Kailangan nating kalabanin ang tukso na palaging lumalapit sa atin. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling hilig lalo na iyong nakakasama naman sa atin. Kailangan tayong maglaan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 20, 2024

 34,369 total views

 34,369 total views First Things First | February 20, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 19, 2024

 34,369 total views

 34,369 total views First Things First | February 19, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 18, 2024

 34,351 total views

 34,351 total views First Things First | February 18, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 18, 2024

 37,852 total views

 37,852 total views Homily February 18, 2024 1st Week of Lent Gen 9:8-15 1 Pet 3:18-22 Mk 1:12-15 Ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagpapahalaga ng ating binyag. Minsan lang tayo bininyagan pero ang katotohanan ng binyag ay ating isinasabuhay sa bawat sandali ng ating buhay. Dahil sa binyag, nagkaroon tayo ng bagong buhay. Nakiisa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 17, 2024

 34,350 total views

 34,350 total views First Things First | February 17, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 16, 2024

 34,345 total views

 34,345 total views First Things First | February 16, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 15, 2024

 34,345 total views

 34,345 total views First Things First | February 15, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top