May katangian na mangaral ang Simbahan, ayon sa ethics at moral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 626 total reads

Hindi kailanman maaring tumahimik ang Simbahang Katolika sa mga usapin ng estado lalo na sa usapin ng naapakan na ang moralidad ng tao.

Ayon kay dating CBCP president Lingayen-Dagupan archbishop emeritus Oscar Cruz, nakabatay sa Bibliya ang pakikialaman ng Simbahan kasama na rito ang reason at ethics upang ipangaral dun kung ano ang tama at mali.

Pahayag ito ng arsobispo kaugnay ng muling pagbuhay sa same sex union/marriage bill sa Kamara.

“Ang Simbahan ang kanyang pamantayan una sa lahat ay nakasulat sa Banal na Bibliya di puwedeng dagdagan yun at bawasan, so as far as the church is concern that is the fundamentals of all the teachings and practices that the church has doon po nakabatay…may isa pa, yung reason and ethics, what is right or wrong according to reason, that’s ethics, yung isa according to faith that is moral, pagsamahin ninyo ito.” Pahayag ni archbishop Cruz sa panayam ng programang Veritasan.

Binigyang halimbawa ng arsobispo ang nangyari sa Sodom at Gomorrah na pinaulanan ng apoy dahil na rin sa sobrang kasamaan.

“Matatandaang may Sodom and Gomorrah ayon sa Bibliya, naging sanhi ng pagkamuhi (bagamat hindi ito ang wastong salita) kaya dun pinaulanan ng apoy, ang simbahan ba ay maaring tumahimik kapag ang alam niya na hindi wasto ayon sa etika at moral ang isang gawain?, pwede ba niya tanggapin ang isang bagay na mali na hindi sang-ayon sa katwiran at sa pananampalaya, hindi po siya malaya. Hindi po maaring tumahimik ang Simbahan pagkat ang utos ni Hesus teach the gospel to all nation, mangangaral siya magsasalita siya, makinig ka kung gusto mo kung ayaw mo huwag mo, may katangian na mangaral ang simbahan ayon sa ethics at moral

Kaugnay nito, inihayag ni archbishop Cruz na iginagalang niya ang mga miyembro ng LGBT community subalit hindi akma na gawin o ipilit ang mali na maging tama gaya ng pagpapakasal ng parehong babae at parehong lalaki.

Pahayag din ng arsobispo, karapatan din ng mga mambabatas na ihain ang panukala subalit hindi niya makita dito ang dahilan kung bakit ipinipilit pa rin ang mali.

“Karapatan po nila yan, ang sabi ko lang bakit ano kayang nais nilang mangyari, magbanggaan na naman ang Simbahan at estado, eto na naman same sex marriage bill kung mararapatin ninyo isa po ito sa pinakamahabang bagay na pinag-aralan ko and I wrote a book about it, I spoke about not the LGBT , I talk about gender identity difficulty, pagkat ginagalang natin sila, tao din sila, nung sinabi ng Diyos mahalin mo ang iyong kapwa di naman niya sinabi pwera lang sila (LGBT) so ang tanong ko bakit dumadami sila at sa kanilang pagdami lalo natinsila dapat maunawana, kaya lang may mga pgakakataon na hindi pwede maging white ang black, white is white, black is black.” Ayon pa sa arsobispo.

Dagdag nito, ang same sex marriage ay “incarnate falcity”.

Sinasabi ko lang itong same sex marriage is an incarnate falcity meaning pagbaligtarin mo man yan, ito ay kontradksyon na ang dalawang babae ay magiging mag-asawa, ang dalawang lalaki magiging mag-asawa, ginagalang ko ang mga karapatan ng mga tao na ito, sabi ng Diyos mahalin mo ang lahat ng tao. Kahit sa hayop man wala noon, wala kayong makikitang dalawang tandang na magkasama, kaya ginawa ng Diyos ayon sa Bibliya, gumawa siya ng lalaki, hinugot sa kanyang tadyang si Eba, nagsimula ito sa isang babae at lalaki, kaya may mga bagay na hindi talaga pwede.” Dagdag nito.

Hanggang nitong July ng 2016, nasa higit 20 bansa na ang nagsa-ligal ng same sex union.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 77,659 total reads

 77,659 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 109,388 total reads

 109,388 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 211,214 total reads

 211,214 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 251,773 total reads

 251,773 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 269,082 total reads

 269,082 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 276,366 total reads

 276,366 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 395,197 total reads

 395,197 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top