Bagyong Agaton, nanalasa sa Visayas: Simbahan ng Palo, Capiz at Maasin, nananawagan ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,747 total views

Nangangailanagan na ng tulong ang mga residente na naapektuhan ng bagyong Agaton sa Visayas.

Ito ang panawagan ng mga opisyal ng simbahan sa mga lugar na apektado ng bagyo lalo na sa Leyte kung saan naitala ang mga malawak na pagbaha at mga landslide dulot ng ilang araw na pag-ulan.

Ayon kay Maasin Social Action Director Fr. Harlem Gozo, kakailanganin nila ang karagdagang suporta para makatugon sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng bagyong Agathon.

Ikinalulungkoy din ni Fr. Gozo na hindi pa man nakakabangon mula sa epekto ng bagyong Odette noong Disyembre 2021 ay muli na namang nasalanta ng pa ibagong bagyo ang kanilang lugar.

“Nahirapan na talaga kami lalo na dito sa [Diocese] kaya mag-aapeal na tayo di kakayanin ng Social Action” mensahe ni Fr. Gozo sa Radio Veritas.

Isa sa mga pinaka-naapektuhan ng bagyong Agaton ay ang bayan ng Baybay sa Southern Leyte na nasasakop ng Diocese ng Maasin kung saan 14 ang naitalang nasawi habang mahigit sa 100 pamilya ang inilikas.

Siinabi naman ni Palo Archbishop John Du na matindi din ang naging epekto ng bagyong Agathon sa bayan ng Abuyog sa lalawigan ng Leyte.

Nahihirapan din ayon sa arsobispo ang Arkidiyosesis na magsagawa relief operations lalo na’t mataas pa din ang baha sa nasabing bayan.

Hindi din nakaligtas sa mataas na tubig ang parokya sa Baybay.

“Rain is very heavy causing flooding to the town of Abuyog. The water in the Church proper is up to the waist. We are now preparing relief goods and foo to distribute but its difficult to enter due to the [high] water” mensahe ng Arsobispo ng Palo Archdiocese.

Sa Archdiocese ng Capiz, sinabi ni Fr. Mark Granflor-direktor ng Capiz Archdiocesan Social Action Center o CASAC na nakikipag-ugnayan na sila sa mga parokya at lokal na pamahalaan upang makakalap ng impormasyon sa lawak ng pinsala.

Ang bagyong Agaton ang unang bagyo na pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 53,319 total views

 53,319 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 75,324 total views

 75,324 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 99,666 total views

 99,666 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 122,743 total views

 122,743 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 154,417 total views

 154,417 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 75,430 total views

 75,430 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top