Kaligtasan ng Maralita

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 533 total reads

Ang kahirapang dinadanas ng mga maralitang walang maayos na tahanan ay isa sa mga pinakamalungkot na pangitain tuwing nagkakaroon ng mga sakuna sa ating bansa.  Lagi na lamang kapanalig, sa tuwing may malakas na pag-ulan o may mataas na pagbaha, nakikita natin kung paano anurin ang kanilang mga bahay, mga gamit, pati ang buong mag-anak ng rumaragasang tubig. Ito lamang nakaraang mga araw, sa gitna ng mga pag-ulan, natabunan ng gumuhong lupa ang ilang mga pamilya sa Leyte. Sa ngayon, tinatayang 52 na ang namatay habang 55 pa ang hindi nakikita.

Sa ating bansa, maraming mga lugar ang nadeklara na danger zone, pero marami pa rin sa ating mga kababayan ang pumipiling manatili sa ganitong lugar. Limitado din kasi ang kanilang choices o pagpipilian, at kadalasan, kahit ano naman ang piliin nila, halos life and death na rin ang pamimilian – no choice na rin diba? Kapag umalis sila sa bahay nilang nakatirik sa danger zone, gutom araw-araw ang kanilang kakaharapin. Kapag nanatili naman sila sa danger zone, nasa panganib ang buhay nila kada may ulan o pagbaha o pagguho ng lupa.

Ang ganitong isyu ay nagbibigay diin sa importansya ng maayos, disente, at makabuluhang pabahay para sa maralita. Marami ang nagsasabi sa atin na marami namang mga pabahay na tinayo na para sa mahirap, sila lamang ang ayaw lumipat doon. Kapanalig, ang mga pabahay na nakatengga sa ngayon ay kailangan na rin nating i-revisit o suriin uli. Ang mga nirere-locate natin kapanalig, ay mga tao, hindi lamang bagay. May mga trabaho sila sa kanilang pinanggalingan, doon din sila nag-aaral, may mga may mga kaanak silang maiiwan, andun ang kanilang mga social safety nets, at may mga pangarap din silang binuo sa kanilang buhay doon. Kailangan tingnan din natin ang pabahay ayon sa kanilang perspektibo, hindi lamang sa atin, na nakikita lamang sila bilang eyesore sa gilid-gilid ng mga subdibisyon.

Kung nais talaga natin ang kaligtasan ng mga maralita, hindi lamang kaligtasan mula sa sakuna ang ating dapat tutukan. Kailangan natin makita ang pangkalahatang kaligtasan ng maralita. Ang buhay nila ay laging exposed sa panganib dahil ang kanilang pagpipilian ay limitado. Ang maayos na pabahay sana ay mainam na starting point upang mailayo sila sa mga panganib na bunga ng kahirapan. Kapag ang pabahay ay nasa ligtas na lugar, malapit sa trabaho at paaralan, abot-kaya sa bulsa, tunay nating matitiyak ang kanilang kaligtasan.

Dapat prayoridad sa plano ng mga munisipalidad at syudad ang maayos na pabahay ng kanilang nasasakupan. Ang maayos na pabahay ay malaking bentahe hindi lamang sa maralita, kundi sa kapaligiran  – hindi lamang tao ang mapapangalagaan dito kundi ang kalikasan din. Advantage din ito sa lokal na gobyerno – magiging mas sistematiko at maayos ang public service delivery. Kung ipa-prayoridad natin ang kaligtasan ng maralita makikita natin na makikinabang ang buong komunidad at kalaunan, ang munisipalidad, syudad, at bayan. Ayon nga sa Populorum Progressio, “The advancement of the poor constitutes a great opportunity for the moral, cultural and even economic growth of all humanity.”

Sumainyo ang Katotohanan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 9,795 total reads

 9,795 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 37,266 total reads

 37,266 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 77,825 total reads

 77,825 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 103,942 total reads

 103,942 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 152,209 total reads

 152,209 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 172,624 total reads

 172,624 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 37,269 total reads

 37,269 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 77,828 total reads

 77,828 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 103,945 total reads

 103,945 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »
Scroll to Top