“Lumapit sa Mahal na Ina.”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 790 total reads

Ito ang panawagan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula kasama ang mga Obispo ng Ecclesiastical Province of Manila kaugnay sa papalapit na National and Local Elections sa May 9, 2022.

Sa Liham Pastoral ng mga Obispo ng Ecclesiastical Province of Manila na may titulong “NARITO ANG INYONG INA”, nanawagan ang mga lider ng Simbahan na taimtim na magdasal ng Banal na Rosaryo upang hilingin sa Mahal na Inang Maria na tulungan ang bawat isa na iboto ang mga napupusuan ni Hesus para maging lider ng bansa.

Ayon sa mga Obispo, hindi kailanman bibiguin ng Mahal na Ina ang kanyang mga anak na namimintuho sa Kanyang paggabay at pagkalinga.
Kaugnay nito hinihikayat ng mga Obispo ng Ecclesiastical Province of Manila ang lahat na magkaisa at sama-samang magdasal ng Banal na Rosaryo araw-araw mula ika-30 ng Abril na Kapistahan ni San Pio V hanggang sa ika-9 ng Mayo na mismong araw ng halalan.

Pagbabahagi ng mga Obispo ng Ecclesiastical Province of Manila, makailang ulit ng naipalamas ng Mahal na Inang Maria ang kanyang pagkalinga at pagmamahal sa pamamagitan ng tuwinang pagtugon sa panalangin at hinaing ng mga mananampalataya sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Samantala, hinihikayat rin ng mga Obispo ang bawat botante na tuwinang hanapin at ipagtanggol ang katotohanan at ang makabubuti sa mas nakararami o ang common good.

Partikular ding nakiusap ang mga opisyal ng Simbahan sa bawat isa na manindigan at alagaan ang dignidad at kalayaan sa bansa sa pamamagitan ng makatarungan at matalinong pagboto sa mga karapatdapat na kandidato.

Matatandaang una ng nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa bawat isa na seryosohin ang pakikisangkot sa kabuuang proseso ng nakatakdang halalan bilang bahagi ng pananagutan sa hindi lamang sa bayan kundi sa kapwa mamamayang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 24,329 total reads

 24,329 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 108,593 total reads

 108,593 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 202,924 total reads

 202,924 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 264,610 total reads

 264,610 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 309,152 total reads

 309,152 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top