Buhay Partylist, suportado ng SLP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 882 total reads

Nagpahayag na ng suporta ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa Buhay-Partylist para sa nakatakdang halalan sa bansa.

Sa pamamagitan ng isang liham Gabay ng Pamunuan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na may titulong “Para sa Buhay” ay ibinahagi ni Bro. Raymond Daniel Cruz, Jr, ang resulta ng mga pagninilay at pananalangin ng mga laiko para sa nalalapit na National and Local Elections sa ika-9 ng Mayo, 2022.

Ayon kay Cruz, hindi matatawaran ang paninindigan at pagpapahayag ng Simbahan sa kahalagahan at kasagraduhan ng buhay ng bawat nilalang ng Panginoon.

Paliwanag ni Cruz, kaakibat ng hamon ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na “Sulong, Laiko!…Halalang Marangal Tungo sa Pag-Angat ng Buhay!” ay ang panalangin na gamitin ng mga laiko ang kanilang kapangyarihan na bomoto upang maghalal ng mga lider na marangal at tunay na magsusulong ng pag-angat ng buhay ng bawat mamamayan.

Pagbabahagi ni Cruz, matapos ang kanilang masusing pagninilay at pananalangin ay napagdesisyunan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na suportahan at iendorso ang Buhay Partylist na pangunahing kumakatawan sa paninindigan ng Simbahan para sa kahalagahan ng buhay at pamilya gayundin sa paniniwala at pananampalataya sa Diyos.

“At dahil tayo ay nasa panahon ng eleksyon, minarapat natin hamunin ang kapwa Laiko: “Sulong, Laiko!…Halalang Marangal Tungo sa Pag-Angat ng Buhay!” Nais natin gamitin ng Laiko ang kanyang kapangyarihang magluklok nang mga marangal na lider na makakasama natin sa pagtatanggol at pagpapa-angat ng buhay. Kaalinsabay sa nauna naming pahayag ng suporta kay Vice President Leni Robredo at sa kanyang “Gobyernong Tapat, Angat Buhay Lahat”, ipinapahayag din namin ang aming personal at kanya-kanyang suporta sa “BUHAY-PARTY LIST”, na pangunahing kumakatawan sa aming mga paniniwala sa Diyos, at sa kahalagahan ng buhay at pamilya.” Ang bahagi ng Gabay ng Pamunuan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.
Apela ni Cruz, nawa ay timbanging mabuti ng bawat laiko ang pagpili sa mga Partylist na tunay na magtataguyod at kakatawan sa pagpapa-angat ng buhay ng bawat mamamayan lalo na ang mga manggagawa, may kapansanan at mga maralita.

Matatandaang una ng nagpahayag ng suporta sa kandidatura nina Vice President Leni Robredo at Francis “Kiko” Pangilinan para sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na nagsisilbing implementing-arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity na binubuo ng higit sa 50 organisasyon ng Simbahan sa buong bansa na kasalukuyang pinamumunuan ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg.

Attached: Gabay ng Pamunuan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas “Para sa Buhay”

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 882 total reads

 882 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 8,142 total reads

 8,142 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 22,646 total reads

 22,646 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 63,207 total reads

 63,207 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 90,051 total reads

 90,051 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 138,316 total reads

 138,316 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 159,374 total reads

 159,374 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 883 total reads

 883 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 8,143 total reads

 8,143 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 26,320 total reads

 26,320 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 26,018 total reads

 26,018 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top