Mayroong “Catholic Vote”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 698 total reads

Naniniwala si Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Bro. Raymond Daniel Cruz, Jr. na mayroong Catholic vote kung magkakaisa lamang ang lahat ng mga Kristiyano’t Katoliko na bumoto para sa common good o sa ikabubuti ng mas nakararami.

Ayon kay Cruz, ang pagkakaisa ng mga Kristiyano’t Katoliko sa pagboto ng mga kandidato na naaayon sa panlipunang turo ng Simbahan ay maituturing na Catholic Vote.

Ipinaliwanag ni Cruz na ang mga laiko ang kinakailangang manguna sa pagsunod at pagtugon sa isinusulong ng Simbahan na mga Social Doctrine of the Church bilang pamantayan sa pagsusuri ng kandidato sa nakatakdang halalan sa bansa.

“Ako po naniniwala na mayroong Catholic Vote kung ang pinag-uusapan natin dito ay yung common good at saka yung advancement of peoples through holistic and orchestrated lay initiated campaigns,” pahayag ni Cruz.

Nanawagan rin si Cruz sa mga grupo at organisasyon ng mga laiko sa buong bansa upang pangunahan ang pagkakaroon ng mga inisyatibo sa pagpapalaganap ng maka-Diyos na pakikisangkot sa kabuuang proseso ng halalan sa bansa.

Kabilang sa tinukoy ni Cruz ay ang pag-oorganisa ng mga gawain na magsusulong hindi lamang ng pananalangin at pagninilay sa pagpili ng kandidatong ihahalal kundi maging pakikisangkot sa pagtiyak ng kaayusan at katapatan ng kabuuang proseso ng halalan.

“Nananawagan po kami para sa isang orchestrated lay initiated campaigns para po ibigay natin yung Catholic Vote natin sa ating mga kababayan naniniwala po ako diyan, kasama po ng panalangin, kasama po ng pagkilos na mayroon po tayong maidi-deliver at maniwala po kayo, mayroon po tayong maidi-deliver sa Catholic Vote,” dagdag pa ni Cruz.

Ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang nagsisilbing implementing-arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine – Episcopal Commission on the Laity na binubuo ng higit sa 50 organisasyon ng Simbahan at Council of the Laity mula sa may 86-na diyosesis sa buong bansa na kasalukuyang pinamumunuan ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 19,111 total reads

 19,111 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 212,528 total reads

 212,528 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 244,259 total reads

 244,259 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 346,082 total reads

 346,082 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 386,644 total reads

 386,644 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 398,844 total reads

 398,844 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top