Pagiging Santo ni Titus Brandsma – Martyr of Press Freedom, karangalan sa Order of Carmelites Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 947 total reads

Nagagalak ang Order of Carmelites Philippine Province of Blessed Titus Brandsma sa nakatakdang canonization ng santo sa May 15.

Ayon kay Father Rico Ponce, O.Carm, Prior provincial of the Philippine Province, isang karangalan ng mga Carmelong Pilipino ang pagkakatalagang santo ni Titus Brandsma at inspirasyon sa buong Simbahang Katolika bilang martir.

Iginiit ng pari na napapanahon ang pagkakatalagang santo ni Blessed Titus lalo’t nahaharap ang mundo lalo na ang Pilipinas sa laganap na fake news na isang adbokasiya ng santo bilang mamamahayag.

“Having our Province named after this modern-day martyr and mystic is made more meaningful by our own present struggles against the venom of deceit, lies, fake news, historical revisionism and all other forms of disinformation,” pahayag ni Fr. Ponce.

Batid ng Carmelite priest ang kasalukuyang suliranin ng bansa kung saan unti-unting nagagamit ang media sa maling paraan.

“We are currently embroiled in a battle against the vicious enemies of truth, as well as those who try to manipulate the use of media and communication technology for their own selfish ends,” ani ng pari.

Tinaguriang ‘Defender of Truth’ at ‘Martyr of Press Freedom’ si Blessed Titus dahil sa paninindigan sa katotohanan nang tanggihang ilathala sa Catholic newspaper ang Nazi propaganda dahilan upang paslangin noong July 26, 1942 sa Dachau concentration camp.

Bukod sa pagiging Carmelite priest, si Blessed Titus ay isa ring guro at mamamahayag na nagsusulong ng katotohanan sa lipunan na nababatay sa kalooban ng Panginoon.

“We have much to learn and to imitate from Titus Brandsma, who defended Truth and Press Freedom until his dying breath,” giit ni Fr. Ponce.

Si Blessed Titus ay kabilang sa sampung itatalagang santo ni Pope Francis sa St. Peter’s Square sa Vatican at ituturing na patron ng mga mamamayag o media.

Bilang pagkilala ng Filipino Carmelites sa santo ipinagpatuloy nito ang inisyatibong Titus Brandsma Media Center na layong magbahagi ng media education at pastoral care for media professionals; Titus Brandsma Media Awards, na kumikilala sa natatanging media practitioners na nagpapahalaga sa katarungan, katotohanan, kalayaan at nagtataguyod sa kapakanan ng mga mahihirap sa lipunan.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 19,698 total reads

 19,698 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 213,707 total reads

 213,707 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 245,438 total reads

 245,438 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 347,261 total reads

 347,261 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 387,823 total reads

 387,823 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 399,970 total reads

 399,970 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top