Mayroong “Catholic Vote”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 668 total reads

Naniniwala si Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Bro. Raymond Daniel Cruz, Jr. na mayroong Catholic vote kung magkakaisa lamang ang lahat ng mga Kristiyano’t Katoliko na bumoto para sa common good o sa ikabubuti ng mas nakararami.

Ayon kay Cruz, ang pagkakaisa ng mga Kristiyano’t Katoliko sa pagboto ng mga kandidato na naaayon sa panlipunang turo ng Simbahan ay maituturing na Catholic Vote.

Ipinaliwanag ni Cruz na ang mga laiko ang kinakailangang manguna sa pagsunod at pagtugon sa isinusulong ng Simbahan na mga Social Doctrine of the Church bilang pamantayan sa pagsusuri ng kandidato sa nakatakdang halalan sa bansa.

“Ako po naniniwala na mayroong Catholic Vote kung ang pinag-uusapan natin dito ay yung common good at saka yung advancement of peoples through holistic and orchestrated lay initiated campaigns,” pahayag ni Cruz.

Nanawagan rin si Cruz sa mga grupo at organisasyon ng mga laiko sa buong bansa upang pangunahan ang pagkakaroon ng mga inisyatibo sa pagpapalaganap ng maka-Diyos na pakikisangkot sa kabuuang proseso ng halalan sa bansa.

Kabilang sa tinukoy ni Cruz ay ang pag-oorganisa ng mga gawain na magsusulong hindi lamang ng pananalangin at pagninilay sa pagpili ng kandidatong ihahalal kundi maging pakikisangkot sa pagtiyak ng kaayusan at katapatan ng kabuuang proseso ng halalan.

“Nananawagan po kami para sa isang orchestrated lay initiated campaigns para po ibigay natin yung Catholic Vote natin sa ating mga kababayan naniniwala po ako diyan, kasama po ng panalangin, kasama po ng pagkilos na mayroon po tayong maidi-deliver at maniwala po kayo, mayroon po tayong maidi-deliver sa Catholic Vote,” dagdag pa ni Cruz.

Ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang nagsisilbing implementing-arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine – Episcopal Commission on the Laity na binubuo ng higit sa 50 organisasyon ng Simbahan at Council of the Laity mula sa may 86-na diyosesis sa buong bansa na kasalukuyang pinamumunuan ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg.

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 5,924 total reads

 5,924 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 37,305 total reads

 37,305 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 131,534 total reads

 131,534 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 192,028 total reads

 192,028 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 205,935 total reads

 205,935 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 286,475 total reads

 286,475 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top