Igalang ang desisyon ng kapwa sa ibobotong kandidato, panawagan ng Pari sa mga botante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,147 total reads

Nanawagan si Rev. Fr. Jayson Siapco, Director ng Lipa Archdiocesan Social Action Center o LASAC sa publiko na igalang ang desisyon ng kapwa sa kanilang mga sinusuportahang kandidato.

Sa panayam ng Radyo Veritas 846 kay Fr. Siapco, sinabi nito na nakakalungkot ang nanaganap na awayan at kawalan ng pagrespeto ng ilan dahil sa pagkakaiba ng pananaw sa pulitika.

Aminado ang Pari na ang mahalaga ay pairalin ang ating konsensya at paninindigan sa pipiliing mamumuno sa bayan at hindi ito dapat pagmulan ng alitan sa pagitan ng kapwa tao.

“Ang laging panawagan natin bumoto ka sang-ayon sa iyong paninindigan, sa iyong konsensya, igalang natin ang paninindigan ng iba, igalang natin ang konsensya ng iba kung hindi kayo magkapareho tanggapin natin ang katotohanan hindi kayo magkapareho pero igalang natin ang isa’t-isa,” mensahe ni Fr. Siapco.

Umapela rin ang Pari sa mga kandidato na magkaroon ng paninindigan sa kanilang mga plataporma.

Inihayag ng Pari na ilan sa mga nahahalal na opisyal ng pamahalaan ang nagbibigay ng mga huwad na pangako at plataporma at nagbabago ang lahat ng ito sa oras na sila ay mahalal na.

“Ngayon pa lang kampanyahan maging kumbinsido na kayo sa inyong paninindigan, mahirap yun iba ang standards mo ngayon, [pero] pagdating nang nakaluklok ka na iba na ang paninindigan natin,” giit pa ng Pari.

Naniniwala si Fr. Siapco na ang simula ng tunay na pagbabago ay dapat simulan sa ating mga sarili ikaw man ay isang botante o isang kandidato.

“Lagi ko sinasbai sa simula ng mga voters education natin change starts with me, Kung ako ay magbabago, ikaw ay magbabago, ang Pulitiko ay magbabago, hindi natin kailangan ng malaking sistema na magbabantay sa lahat. Kung maganda ang komunidad eh di tayo ay magiging maayos ang pamumuhay gayun din ang pamamahala o panunungkulan,” paliwanag ng Pari.

Batay sa datos ng Commission on Election, tinatayang aabot sa mahigit 65.7 milyong Pilipino ang rehistradong bumoto ngayong darating na May 2022 National Election.

Ang lalawigan ng Batangas ang ika-pito sa maituturing na vote rich provinces sa Pilipinas matapos na magtaglay ng mahigit sa 1.8 milyong botante ngayong darating na halalan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 125,685 total reads

 125,685 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 176,049 total reads

 176,049 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 303,183 total reads

 303,183 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 388,565 total reads

 388,565 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 445,856 total reads

 445,856 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 122,152 total reads

 122,152 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top