VeritasPH

The Word, The Truth

 297 total views

Homiliya para sa Huwebes ng Ikalawang Linggo ng Pagkabuhay, 28 ng Abril 2022, Jn 3:31-36

“Ang Diyos ang dapat naming sundin, hindi ang tao!” (Acts 5:25) Ang linyang ito na narinig natin sa ating first reading ang naging title ng pastoral letter na inilabas ng CBCP noong January 25, 1986, two weeks bago naganap ang kontrobersyal na eleksyon na naganap noong Pebrero 7, 1986. Eleksyon na humantong sa katapusan ng Marcos dictatorship at pagbabalik ng demokrasya sa pamamagitan ng nangyaring people power sa EDSA.

Obvious ba na ito ang pinaghugutan ng CBCP ng inspirasyon para sa pagbabantay na hiniling nilang gawin ng taong-bayan noon upang maging malinis, totoo, at payapa ang maging takbo ng halalan na first time mangyayari sa loob ng 14 years ng madilim na panahon ng dictatorship na naglugmok sa ating bansa at nagwasak sa ating ekonomya dahil nilimas nang husto ng mga Marcos noon at ng mga cronies nila ang pondo ng gubyerno. Ang makasaysayang halalan na iyon ang tinawag na “snap election,” at dalawang kandidato lang noon ang pagpipilian sa botohan—si Marcos ba (na 20 years na sa pagkapresidente), o ang kandidatong babae at biyuda?

Halos isang buwan lang noon ang campaign period at nagulat ang administrasyon sa reaksyon ng mga tao. Parang biglang nawala ang takot ng mga tao sa Diktador. Dati-rati, ni hindi mabanggit ang pangalan ng Diktador kundi pabulong. Sobrang praning ng mga nakatatanda dahil sa dami ng mga ipinakulong sa oposisyon o sa sinumang magsalita laban sa awtoridad niya. Pero noong mga araw na iyon bago nag-eleksyon, aba nawala ang takot ng mga tao. Sila mismo ang nangampanya at nagbahay-bahay. At ang iba ay nagmanman at nagbantay sa botohan. Pati yung mga election officers ng Comelec noon, ang lakas ng loob nila na mag-walk-out nang hindi na nila masikmura ang pandaraya.

Parang ganitong-ganito rin ang sitwasyon na ikinukuwento sa atin ni San Lukas sa ating unang pagbasa. Kung ilalagay natin sa mas simpleng salita, ganito ang sinabi ng mga awtoridad sa mga alagad sa ating unang pagbasa: “Ang titigas naman ng mga ulo ninyo. Hindi ba kayo masaway? Pinagsabihan na namin kayo na tumigil na sa pagbanggit sa pangalan na iyan, pero hanggang ngayon hindi pa rin kayo tumitigil at parang kami ang sinusumbatan ninyo sa pagkamatay niya.”

Noon 1986, ang pangalan na ayaw na ayaw ng mga awtoridad na mabanggit sa publiko ay hindi Hesus kundi pangalan ng taong binaril sa airport. Defensive sila. Feeling nila pinagbibintangan sila.

Ganyan din daw ang disposisyon ng mga awtoridad ayon sa ating first reading. At ang laging banta nila sa mga alagad ay kulong o bitay. In fact ikinulong na nga sila, pero di ba sa kuwentong binasa natin kahapon, may anghel daw na naglabas sa kanila sa kulungan nang gabing iyon? (Noong panahon ng dictatorship, mga madre at mga human rights lawyers ang mga angels.)

Natatawa ako pag naiisip ko ang eksenang iyon na binasa kahapon. Nakalabas na ang mga bilanggo, pero ang mga guwardiya nandoon pa rin nagbabantay. At ang rehas na pintuan, nakakandado pa rin. Pero wala nang laman ang selda sa loob. Ang mga alagad na binilanggo nila nasa labas na. Ni hindi tumakas o nagtago. Dati napakaduwag nila. Ngayon matapang na sila. Sabi ko nga kahapon, sila mismo ang naging tunay na ebidensya ng muling pagkabuhay ni Kristo.

Kaya siguro na-inspire din ang mga obispo noon. Sabi nila sa sulat na iyon,

“We should not passively surrender to the forces of evil and allow them to determine the conduct and the results of these elections. The popular will is clearly shown by the interest of the vast majority of our people to participate in these elections. If we band together, we can become a massive force that will assure relatively clean and honest elections, expressive of the people’s genuine will.”

Sabi pa nila, “In a conflict of loyalties and interests, God’s will must prevail over unjust commands of earthly leaders.

We address these words to all of you, our countrymen, not only because of our concern to uphold gospel values but also because of our country’s critical situation. These elections, if free and honest, will be a big step in restoring that confidence in government and cooperation with it which are essential to national recovery. This confidence can only be lost and our crisis worsen in the event of massive election frauds.”

At ganoon na nga ang nangyari, tulad ng inaasahan ng marami: isang eleksyong talamak sa pandaraya at pananakot, dahil wala pa rin palang tunay na intensyon noon ang diktadura na tanggapin ang desisyon ng taumbayan at kusang magbitiw na sa kapangyarihan.

Kaya’t ang naunang sulat pastoral ng CBCP noong Enero 25, 1986 ay nasundan ng isa pa noong Pebrero 13, 1986. Ganito ang kanilang naging pahayag, matapos na ideklara ang diumano’y naging resulta ng halalan:

“Ang isang pamahalaang nananatili sa poder sa pamamagitan ng pandaraya ay wala nang moral na batayan upang manatili… Ito’y may obligasyon na itama ang kamaliang kinatatayuan nito. Dapat nitong igalang ang mandato ng taumbayan. Ito’y isang pangunahing kondisyon para sa pakikipagkasundo.”

Sa loob ng dalawang linggo ulit, pagkatapos lumabas ang sulat na iyon, nangyari ang tinuturing kong tunay na golden age ng ating kasaysayan. Muntik nang pumutok noon ang isang madugong civil war. Nakaabang na ang mga militar ng gubyerno para lusubin sa Camps Crame at Aguinaldo ang mga sundalong tumiwalag na sa gubyerno dahil sa pandaraya sa eleksyon. Grabe ang pagkamangha ng daigdig sa lakas ng loob ng halos milyong mga Pilipinong nagtungo sa EDSA at pumagitna sa mga tangke at baril ng magkabilang kampo ng mga sundalo?

Biro mo, biglang nangyari ang pinangarap ng ating bansa na isang mapayapang pagbabalik ng demokrasya sa pamamgitan ng “people power”. Grabe ang tapang na ipinakita noon ng mga Pilipino. Walang sinabi ang tapang ng mga Ukrainians. Naglabasan sila, katulad ng mga alagad ni Kristo na lumabas sa pinagtataguan. Sa kalsada sila nagdasal, nagrosaryo, nagprusisyon, naghatid ng inumin at pagkain sa mga sundalo at mga tao. Ang ang resulta? Parang Salubong ng Pagkabuhay para sa bansang Pilipinas.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 2,791 total views

 2,791 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 10,776 total views

 10,776 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 18,312 total views

 18,312 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 34,298 total views

 34,298 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 42,342 total views

 42,342 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 191 total views

 191 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,947 total views

 2,947 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,362 total views

 7,362 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,688 total views

 2,688 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,211 total views

 3,211 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,710 total views

 4,710 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,554 total views

 5,554 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,809 total views

 3,809 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,022 total views

 8,022 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,255 total views

 7,255 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,465 total views

 11,465 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,913 total views

 4,913 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,917 total views

 4,917 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,917 total views

 4,917 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,909 total views

 4,909 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top