Mamamayan, pinag-iingat ng Obispo sa Omicron subvariant

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 477 total reads

Pinaalalahanan ng simbahan ang mamamayan na patuloy na sundin ang minimum public health standards laban sa coronavirus disease.

Ginawa ni Baguio Bishop Victor Bendico ang paalala matapos na maiulat sa Baguio City ang unang kaso ng Omicron BA.2.12, isang Omicron subvariant na mabilis na makapanghawa.

Sinabi ng obispo na mahalagang patuloy na tumalima ang publiko sa panuntunan ng pamahalaan upang maiwasan ang posibleng pagkahawa sa virus.

“Yung mga tao rito [sa Baguio City] ay palaging sinasabihan ng wearing of face mask at social distancing. Hoping na hindi na kakalat pa ang bagong [variant] dito,” pahayag ni Bishop Bendico sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa Department of Health, nagmula sa isang 52 taong gulang na babaeng Finland national ang unang kaso ng Omicron subvariant na dumating sa bansa noong April 2.

Nagtungo ang dayuhan sa isang pamantasan sa Quezon City at sa Baguio City upang magsagawa ng seminar.

Sa huling pagsusuri ng DOH, mayroong 44 na close contacts ang babae kung saan ang lima rito ay naitala sa Benguet, siyam sa Quezon City, at ang 30 indibidwal naman ay ang mga nakasabay niya sa eroplano papuntang Maynila.

Sa kasalukuyan, magaling na sa virus ang Finland national at nakabalik na rin sa kanyang bansa noong April 21.

Samantala, ikinabahala naman ni Bishop Bendico na kapag muling tumaas ang kaso ng COVID-19 hindi lamang sa Baguio City, kundi maging sa buong bansa, posibleng ipagbawal muli ang mga pampublikong pagdiriwang ng simbahan.

“Kung sakaling dadami na naman ang mga cases, back to old ways and strict protocols na naman,” ayon sa obispo.

Gayunman, dalangin ng obispo na ang nasabing Omicron subvariant nawa’y hindi na magdulot pa ng panibagong pangamba sa publiko lalo na’t nalalapit na rin ang 2022 National and Local Elections sa Mayo 9

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 4,136 total reads

 4,136 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 128,444 total reads

 128,444 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 188,939 total reads

 188,939 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 202,865 total reads

 202,865 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 283,522 total reads

 283,522 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 379,731 total reads

 379,731 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 67,662 total reads

 67,662 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top