Isulong ang karapatan ng mga manggagawa

SHARE THE TRUTH

 535 total views

Mga Kapanalig, ginunita natin kahapon ang Araw ng mga Manggagawa o Labor Day. Araw iyon ng pasasalamat at pagpupugay sa kanila, ngunit higit pa sa mga ito ang kailangan ng ating mga manggagawa.

Ayon sa Labor Force Survey na inilabas ng Philippine Statistics Authority noong Pebrero, tatlong milyong Pilipinong edad 15 pataas ang naghahanap ng trabaho ngunit nanatiling walang trabaho. Sila ang mga unemployed. Sa mahigit 46 milyong may trabaho, anim na milyon ang itinuturing na underemployed o iyong mga may trabaho nga ngunit nagnanais ng dagdag na oras sa trabaho o humahanap ng karagdagang kita o trabaho. Patuloy ang panawagan ng maraming mangagagawa para sa maayos na lugar na kanilang pinagtatrabahuhan, seguridad sa trabaho, at sapat na suweldo.

Ang mga tsuper at mga mangingisda naman ay nananawagan para sa mas malaking ayuda sa gitna ng matinding pagtaas ng presyo ng gasolina. Una nang tinutulan ng pamahalaan ang panawagan ng transport groups na suspindehin ang excise tax o buwis na ipinapataw sa mga produktong petrolyo. Kasalukuyan ding nakabinbin ang pamimigay ng 6,500 pisong ayuda sa mga tsuper dahil ipinagbabawal ang pamamahagi nito ngayong eleksyon.

Patuloy namang nananawagan ang ating mga healthcare workers para sa sapat at mas napapanahong pagbibigay ng mga benepisyo. Ilan sa mga benepisyong ito ay ang special risk allowance, active hazard pay, at meal at transportation allowance na dapat lamang na natatanggap nila bilang frontliners natin sa nagpapatuloy na pandemya.

Para naman sa Alliance of Concerned Teachers, kailangan ding bigyang-pansin ang kalagayan ng ating mga guro. Batay sa isang survey noong Marso, umaabot sa tatlong libong piso ang karaniwang iniaabono ng mga guro sa pagbabalik-eskwela ng mga bata matapos ang dalawang taong distance learning. At ngayong eleksyon, sila ang aasahan natin sa matiwasay na pagsasagawa ng halalan.

Ilan lamang ang mga ito sa mga isyung kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino. Noong isang linggo, nanawagan ang Church People-Workers Solidarity (o CWS) sa mga botante na piliin ang mga kandidatong gagawing prayoridad ang pagtataguyod ng maayos at makataong kalagayan ng mga manggagawa. Hiling din nilang maging tapat ang mga kandidato sa kanilang mga pangako sa oras na maluklok sila sa posisyon. Ikinalulungkot pa ng CWS na nananatiling pangako ang pagwawakas sa endo o ang iligal na kontraktwalisasyon sa bansa. Ang pagtuldok sa endo ay isa sa mga ipinangako ni Pangulong Duterte noong tumatakbo pa lamang siya ngunit bigo siyang matupad ito.

Naniniwala ang mga panlipunang turo ng Simbahan na ang karapatan ng mga manggagawa ay nagmumula sa kanilang dignidad bilang tao at nilalang ng Diyos. Ang makapagtrabaho, ang kumita ng sapat para matustusan ang isang makataong pamumuhay, ang umunlad sa pamamagitan ng paggawa, at ang kalayaang mag-organisa upang lubusang mapakingggan ang kanilang mga hinaing ay ilan sa mga karapatan ng mga manggagawa. Ang pagkamit sa mga karapatang ito ay mahalagang bahagi sa pagtataguyod sa dignidad ng tao. Ang kaunlaran ng tao ay ang pangunahing layunin ng paggawa.

Sinasabi sa Santiago 5:4: “Sumisigaw ang mga manggagawa sa inyong mga bukirin dahil hindi ninyo ibinibigay ang kanilang mga sahod. Umabot na sa pandinig ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat ang mga hinaing ng mga mang-aani na inyong inapi!” Tayo kayâ, kailan natin maririnig ang hinaing ng mga manggagawang inaapi sa ating lipunan?

Mga Kapanalig, ang paparating na eleksyon ay isang konkretong paraan upang tumugon sa daing ng mga manggagawa. Iluklok natin ang mga kandidatong totoong nakikinig sa hinaing ng mga manggagawa at gagawa ng tunay na pagbabago para sa ikauunlad nila. Sa mga employers naman, panawagan natin ang tamang pagbabayad at makataong pagtrato nila sa kanilang mga empleyado.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 52,097 total views

 52,097 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 57,515 total views

 57,515 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 64,222 total views

 64,222 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 79,015 total views

 79,015 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 85,171 total views

 85,171 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 52,098 total views

 52,098 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 57,516 total views

 57,516 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 64,223 total views

 64,223 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 79,016 total views

 79,016 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 85,172 total views

 85,172 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 41,983 total views

 41,983 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 52,567 total views

 52,567 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 60,784 total views

 60,784 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 45,017 total views

 45,017 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 50,993 total views

 50,993 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 54,086 total views

 54,086 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 43,791 total views

 43,791 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 44,679 total views

 44,679 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 59,982 total views

 59,982 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 72,391 total views

 72,391 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top