Ihalal ang mga kandidatong ‘pro-farmers at pro-fishermen’, panawagan ng Obispo sa mga botante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 765 total reads

Ihalal ang mga pinunong tutulungan ang mga manggagawa sa sektor ng agrikultura at susulong ng mga inisyatibong magpapaunlad sa sektor.

Ito ang panawagan nina Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo at Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud sa paggunita ng ‘National Farmers and Fisherfolks Month‘ ngayong Mayo na nagsimula sa bisa ng Proclamation No.33 noong 1989 sa ilalim ng pamumuno ng dating Pangulong Corazon Aquino.

Ayon kay Bishop Pabillo, mahalagang maihalal ang mga lider na batid ang mga suliranin na kinakaharap ng sector.

Hinimok din ng Obispo ang lahat na ipanalangin kay San Jose at San Isidro Labrador ang mga manggagawa sa sektor ng agrikultura upang mapabuti ang kanilang kalagayan na apektado narin ng ‘Climate Change’.

“Pero masisipag ang mga mangingisda at magsasaka sa atin. Matiyaga sila sa trabaho at malapit din sila sa Diyos. Mahigpit ang kapit nila sa Diyos. Ipagdasal din natin sila lalu kay kay San Jose na Manggagawa at kay San Isidro Labrador, ngayon election iboto natin ang mga kandidato na alam ang kanilang kalagayan at may push para sa kanila. Kailangan nila ang suporta ng pamahalaan. Magugutom tayo kung wala sila!,” pahayag ni Pabillo sa Radio Veritas.

Apela naman ni Bishop Bancud sa mamamayan higit na sa pamahalaan, mga partylist at opisyal ng gobyerno na kumakatawan sa sektor na ipatupad ang mga batas, programa at inisyatibong magiging karagdagang agapay para sa mga magsasaka at mangingisda.

“Para sa mga magsasaka at mangingisda maraming salamat sa inyong mga pagsusumikap na mapaunlad ninyo ang pangkabuhayan sa ating lipunan at sa bandang huli ang bunga ng mga pagsusumikap na ito ay ang inyong mga pamilya ang magtatamasa,” ayon din sa mensaheng ipinadala ng Obispo sa Radio Veritas.

Umaasa si Bishop Bancud na gamitin din ng bawat mananampalataya ang kanilang boses upang mapalakas ang pananawagan ng tulong sa mga manggagawa ng sektor na nakaranas na ng ibat-ibang suliranin na dulot ng pandemya, African Swine Fever, Agricultural smuggling, at Avian Influenza o birdflu.

“Ang boses ng bawat isa sa atin ay kailangang marinig. Dito sa ganitong sitwasyon, tayo ay isinusugo ng Poong Maykapal upang dito rin natin maipapangibabaw at mapapatingkad ang Mabuting Balita ng Panginoon,” pagbibigay diin pa ni Bishop Bancud

Batay sa tala, tinatayang nasa 10-milyon ang bilang ng mga Muslim sa Pilipinas kung saan mayorya ay mga Katoliko.

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 11,678 total reads

 11,678 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 47,144 total reads

 47,144 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 141,371 total reads

 141,371 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 201,865 total reads

 201,865 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 215,773 total reads

 215,773 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 295,870 total reads

 295,870 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 31,879 total reads

 31,879 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »
Scroll to Top