Gawing huwaran si San Roque sa pagpapadama sa kapwa ng pag-ibig ng Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,011 total reads

Gawing huwaran si San Roque upang maging mabuti at maipadama sa kapwa ang pag-ibig ng Diyos.

Ito ang homiliya ni Monsignor Pablo Legaspi ng Diyosesis ng Malolos sa paggunita sa kapistahan ng San Roque Parish sa Longos, Pulilan, Bulacan.

Ayon kay Monsignor Legaspi, mahalagang maipadama sa kapwa ang ibat-ibang pamamaraan ng pakikipag-kawanggawa katulad ng pag-aalalay ni San Roque ng kaniyang buhay upang walang pag-aatubiling alagaan ang may mga karamdaman.

“Sa kasaysayan alam naman natin ang pinagdaanang pagsubok ni San Roque tapos kung papaano sa kabila ng pinagdaanan niyang sakit, nakuha niya dahil sa pagtulong sa tao, ang Diyos hindi siya pinabayaan kaya may aso na nagdadala ng tinapay sa kanya and later on yung kabutihan na yon ni San Roque naging daan para yung mga tao, manumbalik rin sa pananampalataya,” pahayag ni Monsignor Legaspi.

Mensahe naman ni Sister Aurora Seguis ang Hermana Mayor ng kapistahang bayan, malaki ang naging tulong ng pananalangin kay San Roque na kanilang Patron upang ipag-adya ang kanilang bayan mula sa pandemya at iba pang uri ng sakit.

Si San Roque ang kilalang pintakasi laban sa nakakahawang sakit, peste at ibat-ibang uri ng salot na inialay ang kanyang buhay sa paglilingkod sa mga may karamdaman.

Bilang paggunita sa kapistahang bayan ay idinaos sa San Roque Parish ang Misang inialay upang patuloy na ipanalangin sa Panginoon at San Roque ang pag-aadya mula sa anumang sakit na sinundan ng prusisyon bilang pagpupugay sa santo.

Ang buong Simbahang Katolika naman ay ipinagdiriwang ang kapistahan ni San Roque tuwing ika-16 ng Agosto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 126,300 total reads

 126,300 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 176,664 total reads

 176,664 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 303,770 total reads

 303,770 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 389,152 total reads

 389,152 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 446,407 total reads

 446,407 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top