Mamamayan, pinaalalahanan ng CBCP na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 514 total reads

Muling pinaalalahanan ng health care ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang publiko na huwag maging kampante sa kabila ng patuloy na pag-iral ng coronavirus pandemic.

Ayon kay Camillian priest Father Dan Cancino, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Healthcare, dapat panatilihin ng mamamayan ang pag-iingat at pagiging handa dahil na rin sa panibagong banta ng Omicron subvariant BA.2.12.

“Samakatuwid, kung nand’yan pa rin ang COVID-19, tayo ay mas maging mapagmatyag. ‘Yung ating kamalayan ay taasan pa natin. Hindi pa tapos ang laban natin sa COVID-19. Huwag tayong magbaba ng ating mga armas, ng ating pagiging vigilant,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Hamon ng pari ang pagsisikap na paigtingin ang kamalayan ng bawat isa hinggil sa pag-iingat laban sa COVID-19, sa pamamagitan ng pagbabasa ng iba’t ibang impormasyon na may kaugnayan sa pagbabago o mutation ng virus na maaaring magpalala o magpahina ng epekto nito sa katawan.

Hinikayat din ni Fr. Cancino ang pagpapabakuna ng COVID-19 vaccine na napatunayan na ng mga eksperto na nagbibigay ng karagdagang proteksyon laban sa nakahahawang virus.

Ipinaliwanag ni Fr. Cancino na mas makabubuting kumpletuhin ang dosage ng COVID-19 vaccine tulad ng pagtanggap sa 1st at 2nd dose nito, gayundin sa 1st at 2nd dose naman ng booster shots.

Ito’y upang mas tumaas pa ang pananggalang ng katawan laban sa matinding epekto ng virus lalo na sa bagong Omicron subvariant.

“Tayo ay mag-avail talaga nito dahil ang mga eksperto na ang nagsalita na habang tayo ay naglalakbay, ang ating immunity dulot ng pagbabakuna ay bumababa rin naman. Kaya kailangan nating pataasin muli ang ating immunity,” giit ni Fr. Cancino.

Batay sa tala ng Department of Health, umabot na sa higit 147-milyong doses ng bakuna ang naipamahagi sa bansa.

Sa nasabing bilang, halos 66-milyon rito ang nakatanggap na ng 1st dose, halos 68-milyon ang kumpleto na sa bakuna, habang nasa higit 13-milyon naman ang nakatanggap na ng booster shots.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 218,775 total reads

 218,775 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 250,506 total reads

 250,506 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 352,330 total reads

 352,330 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 392,891 total reads

 392,891 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 404,837 total reads

 404,837 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 142,718 total reads

 142,718 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top