Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 547 total reads

4th Sunday of Easter Cycle C

Acts 13:14.43-52 Rev 7:9.14-17 Jn 10:27-30

Bukas ay eleksyon na. Upang bigyan tayo ng katahimikan na magnilay at pumili nang maayos, ngayong araw ay tigil na ang lahat ng pangangampanya. Sana igalang ang space na ito ng mga politiko. Para sa iba kasi, sa araw na ito ay malakas ang gapangan sa mga botante at ngayon rin namimili ng mga boto. Mga kapatid, palatandaan na na ang namimili ng boto ay mga corrupt o magiging corrupt na mga politiko. Bumoto tayo ng mga kandidato na mabuti para sa bayan at hindi ang mga kandidato na mangdaraya sa atin. Dadayain tayo ng mga politiko na namimili ng boto.

Sa ating misa ngayon, ilahad natin sa Diyos ang mga taong iboboto natin bukas. Sana hindi tayo nahihiya sa Diyos sa iboboto natin kasi ito ay pinag-isipan natin at naniniwala tayo na maaayos na mga tao ito.

Nagkataon naman na ngayong Linggo, ang ika-apat na Linggo ng Muling Pagkabuhay ay ang Good Shepherd Sunday. Ang mga leaders sa Bible ay madalas tinatawag na mga shepherds, mga pastol. Kung papaano pinangangalagaan ng mga pastol ang kanilang mga tupa, ganoon din dapat pinapangalagaan ng mga leaders, religious leaders man o civil leaders, ang mga tao. Kinikilala natin na si JesuKristo ay ang mabuting pastol natin. Siya ay maayos na namumuno sa atin at siya dapat ang maging huwaran ng lahat ng mga namumuno.

Ano ang mga katangian ng mabuting pastol ayon sa sinabi ni Jesus? Tatlo ang narinig natin sa ating ebanghelyo ngayong araw: kilala niya ang kanyang tupa, binibigyan niya sila ng buhay, at pinapangalagaan niya sila upang hindi sila mawala at mapahamak.

Kilala ng leader ang pinamumunuan niya. Kilala niya sila kasi nakikiisa siya sa buhay nila. Iyan ay ginawa ng Diyos mismo. Kilala tayo ng Diyos kasi siya ang maylikha sa atin. Kilala tayo ng anak ng Diyos kasi nakipamuhay siya sa atin. Bumabad siya sa ating kalagayan. Naging tao siya! There is nothing human that is unknown to him, except sin, kasi ang kasalanan ay hindi bahagi ng ating totoong pagkatao. Sino sa mga kandidato natin ang nakababad sa ating kalagayan, ang dumadalaw sa atin kahit na sa labas ng panahon ng eleksyon? Ang mga politiko ay lumalapit sa tao sa panahon ng pangangampanya pero pagkatapos ng eleksyon hindi na sila malapitan ng tao. Boto lang ang kailangan nila sa atin. Nagpapakilala sila sa mga tao. Kinikilala din ba nila ang ating kalagayan? Ang politiko na sumusunod sa leadership ni Jesus ay lumalapit sa atin kahit na walang eleksyon. Inaalam niya ang ating kalagayan. Kilala niya tayo.

Pangalawang katangian: Binibigyan niya tayo ng buhay. Ginawa ito ni Jesus. Siya ay nag-alay ng kanyang buhay upang hindi tayo mapahamak, bagkus magkaroon ng buhay. Masipag siya sa pangangaral sa mga tao at sa pagtulong sa kanila. May mga politiko na namimigay ng pera. Binibili tayo niyan. Babawiin uli nila iyan kapag nanalo sila. Lalo na huwag tayong maniwala sa mga nangangako na magbibigay sila ng pera kung manalo siya! Kung talagang may pera sila, bakit noon pa man hindi na sila namigay ng pera? Ang kandidatong ayon sa larawan ni Jesus ay nagbibigay ng sigla at pag-asa sa atin. Iyan ang buhay na kailangan natin ngayon na tayo ay nababalot sa dilim ng kahirapan. Kailangan natin ng leaders na nakaka-inspire sa atin na bumangon, kumilos at makilahok para sa bayan.

At pangatlo, ang mabuting pastol ay nangangalaga sa atin. Ayaw niya na tayo ay mapahamak kaya may malasakit siya. Ang pangangalagang ito ay ang pagbibigay ng maayos na pangangaral, pagbibigay ng agarang tulong sa nangangailangan, at ang pagbibigay ng halimbawa sa isang maayos na pamumuhay. Nararamdaman ba natin ang pagmamalasakit ng mga tumatakbong politiko? Nagsisilbi ba silang maayos na halimbawa na matutularan natin? Masasabi ba natin: gusto kong maging tulad niya?

Pero ngayong Good Shepherd Sunday hindi lang sinasabi sa atin ang katangian ng Mabuting Pastol. Ano naman ang tugon natin na mga tupa sa Mabuting Pastol? They hear my voice and they follow me. Ang tupa ay nakikinig sa tinig ng pastol at sumusunod sila sa kanyang mga panawagan. Nagagawa ito ng mga tupa kasi magaan ang loob nila sa kanilang pastol. Nakikita at nararamdaman ng mga tupa ang pagmamalasakit at pagmamahal ng kanilang mga leaders. Nakuha nila ang kanilang tiwala kaya sumusunod sila. Hindi takot ang nagpapakilos sa mga tupa ngunit pag-ibig at paghanga.

Good Shepherd Sunday is also Vocation Sunday. Sa Linggong ito pinapaabot sa lahat ang pangangailangan natin ng mga leaders sa simbahan na magpapastol sa atin. Bilang Mabuting Pastol, si Jesus ay patuloy na tumatawag ng mga magpapatuloy ng kanyang misyon. Sa ating ikalawang pagbasa narinig natin ang pangitain ni Juan. Napakaraming mga tao na nakasuot ng damit na puti na sumusunod sa Kordero. Sila iyong nagtagumpay sa pagsubok. Nakikihati na sila sa kaluwalhatian sa langit. Hindi na sila magdurusa. Nakarating sila sa walang hanggang pastulan kasi may mga nagpastol sa kanila. Marami pa ngayon ang nangangailangan ng mga pastol. Sinabi ni Jesus: “Marami ang aanihin ngunit kakaunti ang manggagawa sa bukid. Magdasal kayo upang magpadala pa ang Diyos ng maraming mag-aani.” Hinihikayat tayo sa Linggong ito na sama-samang magdasal na magpadala ang Diyos ng maraming mabubuting pastol sa simbahan. Habang hinahangad natin na magkaroon ng mabubuting leaders sa pamahalaan kaya boboto tayo ng mga mabubuting tao na maging leaders natin, hangarin din natin na magkaroon tayo ng marami at mabubuting pastol sa simbahan. Sila ang magiging gabay natin na pastulang walang hanggan.

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 13,283 total reads

 13,283 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 50,132 total reads

 50,132 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 144,359 total reads

 144,359 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 204,851 total reads

 204,851 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 218,759 total reads

 218,759 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 298,738 total reads

 298,738 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily August 16, 2026

 9,822 total reads

 9,822 total reads 20th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 56:1.6-7 Rom 11:13-15.29-32 Mt 15:21-28 Noong kapanahunan ng Lumang Tipan, ang mga Hudyo ay mapangmata

Read More »

Homily August 9, 2026

 18,159 total reads

 18,159 total reads 19th Sunday in Ordinary Time Cycle A 1 Kgs 19:9.11-13 Rom 9:1-5 Mt 14:22-33 Siguro naman gusto nating makipagtagpo sa Diyos? Siyempre Oo,

Read More »

Homily August 2, 2026

 25,796 total reads

 25,796 total reads 18th Sunday of Ordinary Time Cycle A St John Mary Vianney Sunday Is 55:1-3 Rom 8:35.37-39 Mt 14:13-21 Ngayong Linggo ay St. John

Read More »

Homily July 26, 2026

 27,514 total reads

 27,514 total reads 17th Sunday in Ordinary Time World Day of Parents and the Elderly Fil-Mission Sunday 1 Kgs 3:5.7-12 Rom 8:28-30 Mt 13: 44-52 Sa

Read More »
Scroll to Top