Sama-samang tiyakin ang maayos at mapayapang halalan, panawagan ng Obispo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 649 total reads

Patuloy na ipagdasal sa Panginoon ang mapayapa at maayos na kabuuang proseso at resulta ng halalan sa bansa.

Ito ang panawagan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco kaugnay sa kasalukuyang National and Local Elections 2022.
Ayon sa Obispo, dapat na igalang ang sagradong proseso ng halalan sa bansa gayundin ang magiging resulta nito na kumakatawan sa pulso at kalooban ng sambayanang Pilipino.

Nanawagan si Bishop Ongtioco ng sama-samang pagbabantay at pagtiyak ng kaayusan at katapatan ng kabuuang proseso ng halalan.

“Tayo ay nagpapasalamat sa Diyos, sa ngayon mapayapa po para sa mapayapang, mabuting resulta ng National and Local Elections. Mayroon tayong proseso kaya ginagalang natin ang prosesong ito, sagrado ito kaya ipagdasal natin patuloy itong payapa, maayos na eleksyon hanggang sa matapos po ang pagbibilang. Sa inyong lahat sama-sama tayong magtulungan para sa mapayapa at maayos na eleksyon. Nagpapasalamat tayo maayos po, thank you.” pahayag ni Bishop Ongtioco.

Una ng binigyang diin ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Vice President, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara na mahalagang igalang ang kagustuhan at desisyon ng taumbayan batay sa magiging resulta ng halalan.

Pagbabahagi ni Bishop Vergara, anuman ang maging resulta ng eleksyon ay dapat na magkaisa ang sambayanan upang tumulong sa mga bagong halal na opisyal ng bayan.

Batay sa tala ng Commission on Elections (COMELEC) aabot sa 67-milyong ang bilang ng mga botanteng inaasahang makikibahagi sa National and Local Elections 2022 kabilang na ang nasa mahigit 1.6 na milyong mga rehistradong Overseas Filipino Workers na binigyang ng isang buwang pagkakataon upang makaboto mula noong April 10, 2022 hanggang sa mismong araw ng halalan ngayong May 9, 2022.

Attached video & photos of Cubao Bishop Honesto Ongtioco:

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 5,110 total reads

 5,110 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 59,632 total reads

 59,632 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 96,423 total reads

 96,423 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 128,687 total reads

 128,687 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 179,306 total reads

 179,306 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 240,924 total reads

 240,924 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top