2nd collection para sa Haiti, isasagawa sa Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 632 total views

Hinikayat ni Caritas Internationalis President, Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang lahat ng pari sa Archdiocese of Manila na magsagawa ng 2nd collection para sa mga biktima ni hurricane Matthew sa Haiti.

Inihayag ni Cardinal Tagle na isasagawa ang 2nd collection sa mga misa sa hapon ng Sabado,ika-15 ng Oktubre at linggo ika-16 ng Oktubre sa lahat ng parokyang nasasakupan ng Archdiocese of Manila.

“Mga minamahal na Kapanalig, mga kaibigan, mga kapatid sa panginoong Hesukristo. Alam ko po na nabalitaan na ninyo ang paghagupit ng bagyong Mathew sa isang napakahirap na bansang Haiti. Tayo po habang nakikipag-usap sa inyo ay nakabalita na mahigit sa isang libo(1,000) katao na ang namatay habang sana ay hindi mangyari pero ang banta ng cholera ay nariyan,”panawagan ni Cardinal Tagle.

Ayon kay Cardinal Tagle, nakalulungkot ang iniwang pinsala ni hurricane Matthew na sa kasalukuyan ay hindi pa nakababangon sa epekto ng lindol noong 2010.

“Ang Haiti po ay bukod sa pagiging isa sa mahirap na bansa ay hindi pa po nakakabangon sa lindol na naganap noong 2010 na mahigit 2 daang libong tao ang namatay. Kaya po nanawagan tayo sa ating mga Kapanalig, mga kaibigan sa Pilipinas, una sa lahat isa-isip po natin sila,” apela ng Pangulo ng Caritas Internationalis sa pamamagitan ng Radio Veritas.

Iginiit ng Kardinal na kailangan ng Haiti ang pinansiyal na tulong lalu na mahirap ang kalagayan at pamumuhay sa nasabing bansa.

Ipinaalala ni Cardinal Tagle na tulad ng Pilipinas na nakararanas din ng mga bagyo at kalamidad ay nararapat lamang na tayo ang unang tumulong at magpadama ng awa at habag ng Diyos sa mga taga-Haiti.

Inihayag ng Kardinal na mayroong isinasaayos na pinansiyal na tulong na ipadadala ang mga parokya at organisasyon ng Archdiocese of Manila sa Haiti.

“Tayo rin po ay nakaranas ng bagyong Yolanda, sana tayo ang mga unang nakakaramdam ng pakikiisa sa kanila. Pero hindi sapat ang isipin sila, ipanalangin po natin sila at sa mga darating na linggo. Palagay ko sa ibat- ibang mga parokya at diyosesis at organization ay mayroon tayong magiging pagkilos upang makakalap ng maitutulong sa mga kapatid natin sa Haiti. Kaya po kumakatok kami sa inyo sa taong ito ng habag awa ng Diyos, atin pong isagawa ang habag na ito,”mensahe ni Cardinal Tagle sa mamamayang Pilipino.

Mula sa datus ng gobyerno ng Haiti, mahigit sa 800 katao ang namatay at mahigit sa 60 libong tahanan ang nawasak sa pananalasa ni hurricane Matthew.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 25,625 total views

 25,625 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 48,777 total views

 48,777 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 118,891 total views

 118,891 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 193,505 total views

 193,505 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 271,745 total views

 271,745 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 77,338 total views

 77,338 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 54,914 total views

 54,914 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 93,333 total views

 93,333 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top