Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 944 total reads

Mga Kapanalig, sa ngayon, bahagya nang humuhupa ang tensyong dala ng katatapos pa lamang na eleksyon. Nagbunyi ang mga nanalo at ang kanilang mga tagasuporta. Nalungkot naman ang mga hindi pinalad ngunit pinagagaan ang bigat na nararamdaman ng mga tumaya sa kanila. Mayroon ding mga natatakot at nababahala sa mga maaaring mangyari sa ilalim ng pamahalaang hindi malinaw ang daang tutunguhin dahil wala namang malinaw na planong inihain sa atin.

Madalas na ginagamit ang kasabihang vox populi, vox Dei sa tuwing matatapos ang halalan at kapag malinaw na kung sinu-sino ang magiging mga bagong lider. Isinasalin ito sa Ingles bilang “the voice of the people is the voice of God.” Ang boses daw ng mga sambayanan ay ang boses ng Panginoon, kaya’t sa mga hindi raw matanggap ang naging desisyon ng mas nakararaming botante, wala na raw silang magagawa. Makasaysayan pa nga raw ang halalan ngayong taon dahil tinatayang 80% ng mahigit 67 milyong Pilipinong nagparehistro ang bumoto, at malaki ang lamang ng mga nanalo.

Gasgas na ang paggamit ng vox populi, vox Dei upang bigyang-katwiran ang pagtanggap sa resulta ng eleksyon. Pero sa totoo lang, ang unang paggamit ng mga salitang ito ay negatibo pa ang konsteksto. Ginamit ito ng English scholar na nagngangalang Alcuin of York sa kanyang sulat kay Charles the Great o Charlemagne, ang hari ng mga Franks sa lugar na ngayon ay ang Germany. Payo ni Alcuin sa hari, hindi dapat pakinggan ang mga nagsasabing ang boses ng mga tao ay ang boses ng Diyos, dahil ang ingay na kanilang nililikha ay para bang pagkawala sa kanilang sarili. Hindi rin natin matatagpuan sa anumang turo ng Simbahan ang katotohanan ng vox populi, vox Dei.

Kung hindi man boses ng Diyos ang boses ng sambayanan, tiyak na mayroon pa ring ipinararating na mensahe sa atin ang Panginoon. Ngunit hindi ito madaling makita, hindi madaling maunawaan. Ito ay misteryong matatagpuan natin sa patuloy nating paglalakbay bilang isang bayan, at maaari itong magsimula sa ilang tanong sa ating mga sarili.

Halimbawa, mahalaga ba sa atin ang isang mayos at malinis na gobyerno? Kung oo, nakikita ba natin ito sa mga pinili ng mas nakararaming botante? Kung gagamitin nating batayan ang nasasaad sa Exodo 18:21, pumili ba tayo “ng mga taong may kakayahan, may takot sa Diyos, mapagkakatiwalaan at di masusuhulan”? O baka naman ang mahalaga lang sa atin ay ang panandaliang suhol at handa tayong manlimos sa mga pulitiko sa oras ng ating pangangailangan?

Maaari din nating itanong: anu-anong katangian nating mga Pilipino ang tumingkad ngayong eleksyon? Saan natin ginamit ang mga katangiang ito: sa pagpapalaganap ba ng katotohanan o sa panloloko sa ating kapwa? Mahalaga ba sa atin ang katotohanan? Sabi nga sa Catholic social teaching na Caritas in Veritate, “Only in truth does charity shine forth, only in truth can charity be authentically lived.” Kung ipinagmamalaki natin ang pagkakaroon natin ng malasakit sa ating kapwa at pagkakaisa, lalo na sa panahong kailangan ng pagbabayanihan, masasabi ba nating ginagabayan tayo ng katotohanan sa pag-aabot natin ng tulong sa iba?

Isa pang tanong: mahalaga ba talaga sa atin ang ating kalayaan at mga karapatan? O wala tayong nakikita sa isang gobyernong pinamamahalaan tayo gamit ang pananakot at mga parusa upang magkaroon ng disiplina? Anong uri ng lipunan ang gusto natin kung ayaw natin ng may mga pumupuna sa ating mga pinuno?

Mga Kapanalig, may isa pang kasabihan: “The government you elect is the government you deserve.” Ang gobyernong inihahalal natin ay ang gobyernong nararapat sa atin. Naniniwala ka ba rito? Sa mga susunod na buwan at taon, makikita natin ang tatahakin nating landas sa ilalim ng bagong administrasyon.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 22,243 total reads

 22,243 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 106,603 total reads

 106,603 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 200,934 total reads

 200,934 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 262,620 total reads

 262,620 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 307,264 total reads

 307,264 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 22,244 total reads

 22,244 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 106,604 total reads

 106,604 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 200,935 total reads

 200,935 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 262,621 total reads

 262,621 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »
Scroll to Top