Pagtutulungan, sagot sa nararanasang economic crisis ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,900 total views

Nanindigan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na ang pagtutulungan ng mga Pilipino ang tugon sa dinaranas na krisis sa ekonomiya ng bansa.

Ito ang panawagan ni Bro.Jun Cruz, pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas (SLP)sa mga Pilipino matapos maitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mabilis na 5.4% inflation rate sa nagdaang buwan ng Mayo.

Nilinaw ni Cruz na tanging magagawa ng mga nagigipit na working class ay magtipid habang ang mga nakakataas at may kakayahan ay nararapat na tumulong para paandarin ang ekonomiya.

“Sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin, ang palaging nagigipit ay ang mga working class, Sa ganitong mga panahon din, ang nagiging solusyon ng marami ay ang magtipid at huwag gumastos o mamili. Ngunit sa mga nakatataas at capable, kailangan ngayon na sila ay tumulong na paandarin ang ekonomiya,” pahayag ni Cruz sa Radio Veritas.

Ayon pa kay Bro. Cruz, sa pamamagitan ng mga maliliit na hakbang tulad ng pagbili sa maliliit na tindahan, negosyo at sa mga naglalako sa lansangan ay matutulungan ng bawat isa na kumita.

Umaapela din ng Pangulo ng S-L-P sa mga nakakatanggap ng buwanang OFW remittances na magsimula ng maliliit na negosyo upang magkaroon ng dahan-dahang pag-unlad ang ekonomiya ng bansa.

“Gayundin ang mga nakatatanggap ng mga remittances sa OFWs, gamitin natin ang mga pera upang makagawa ng maliliit na negosyo sa ating pamayanan, Let us create small circular economies within our communities and give others a chance to earn also,” ayon pa kay Bro.Cruz.

Unang nagbabala si Department of Agriculture Secretary William Dar sa posibilidad ng pagkakaroon ng food crisis sa mga susunod pang buwan.

Inihayag din ng economic expert na si Astro Del Castillo ang pagtaas pa ng presyo ng mga bilihin dahil sa digmaan ng Russia at Ukraine na nagdulot ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 114,568 total views

 114,568 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 158,176 total views

 158,176 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 239,786 total views

 239,786 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 247,259 total views

 247,259 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top