Kapangyarihan ng taumbayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 582 total reads

Mga Kapanalig, tila mga pangyayari sa Pilipinas noong 1986 ang mga nagaganap ngayon sa bansang Sri Lanka, isang maliit na bansa sa Timog Asya.

Noong isang linggo, dinagsa ng mga galίt na galίt na mamamayan ang magagara at naglalakihang mansyon ng kanilang presidente at prime minister. Bigo ang kinauukulang pigilan ang mga taong sumugod sa mga bahay na iniwan ng nagtatagong mga lider. Masayang nagsitalunan sa swimming pools, naghihiga sa malalaking kama, at nagpakuha ng picture sa magagandang hardin ang mga taong pagod na pagod na sa walang humpay na pagtaas ng halaga ng pagkain, kakulangan sa petrolyo at mga gamot, at kaliwa’t kanang brownout. Ang krisis sa Sri Lanka ay bunga ng kabiguan ng pamahalaang bayaran ang pagkakautang ng bansa.

Ganito rin ang eksena noong tumakas ng Pilipinas ang pamilya Marcos matapos silang patalsikin ng mga Pilipino. Nabuksan sa publiko ang Malacañang, at tumambad sa kanila ang karangyaan ng pamilya sa harap ng paghihikahos ng mga Pilipino. Naroon ang malalaking kama, mamahaling mga damit at pabango, at daan-daang sapatos. Sa unang pagkakataon, nakatapak sa loob ng palasyo ang mga Pilipinong nag-ambag-ambag upang magkaroon ng maluhong pamumuhay ang diktador at ang kanyang pamilya.

Tunay na mahirap pairalin ang kahinahunan sa mga mamamayang kumakalam ang sikmura at naghihikahos. Hindi natin kinukunsinti ang karahasan sa mga ganitong pangyayari, ngunit sino tayo upang husgahan at sisihin sila?

Linggo matapos ang pangyayaring iyon sa Sri Lanka, nanawagan si Pope Francis sa mga lider ng bansang pakinggan ang pananangis ng kanilang mga mamamayan at huwag balewalain ang kanilang mga pangangailangan. Sinabi naman ni Bishop Harold Anthony Perera ng Diocese of Colombo na hindi na makatarungan ang paghihirap na dinaranas ng mga Sri Lankans, at ang tinatawag niyang “failure of the system” ang nagtulak sa mga mamamayang mag-alsa at sumigaw ng radikal na pagbabago.

Ang mga nasa pamahalaan ang inatasan at inaasahan ng taumbayang magbibigay ng direksyon sa kanila sa mga pagkakataong nakararanas ang kanilang bansa ng matinding krisis. Ang mga lider ay iniluluklok sa kanilang posisyon upang paglingkuran ang mamamayan. Samakatuwid, gaya nga ng sinasabi sa Catholic social teaching na Pacem in Terris, ang alinmang pamahalaang tumatangging kilalanin ang karapatan ng mga pinaglilikuran nito at gumagawa ng mga hakbang na labag sa mga ito ay hindi lamang mabibigo sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Ang kanilang awtoridad ay nawawalan ng saysay dahil hindi na nila mapagbubuklod ang taumbayan.

Ang nangyayari ngayon sa Sri Lanka ay maging paalaala sana sa ating ang kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan ay nagmumula sa taumbayan. At napatunayan na nating mga Pilipino ito sa maraming pagkakataon, lalo na noong 1986. Ngunit sadya yatang makakalimutin tayo kaya’t nandito tayo ngayon, napaikot muli ng mga taong ganid sa kapangyarihan at kayamanan.

Huwag sana itong mangyari sa Sri Lanka lalo na’t napilitan na ring magbitiw sa puwesto ang kanilang presidente at prime minister. Inaasahan na rin ang pagbabalik ng parliamento na pipili ng bagong mga lider ng bansa. Maging hudyat sana ito ng unti-unting paghupa ng karahasan at pagbangon ng kanilang ekonomiya. Maging aral sana ito sa kanila at sa mga mamamayan sa ibang bansa—kasama na ang Pilipinas.

Mga Kapanalig, sa isang mundong malawak at malalim ang puwang sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, inilalahad sa atin ng Mateo 25:31-46 ang kuwento tungkol sa huling paghatol. Ipinapaalala sa atin nitong huhusgahan tayo ayon sa ating pagtugon sa mga pinakaaba at pinakahuli sa atin. Nasa mga lider ang malaking responsibilidad na gawin ang pagtugong ito, at upang matiyak na gagampanan nila ang kanilang tungkulin, ang taumbayan, na siyang pinagmumulan ng kanilang kapangyarihan, ay dapat laging nakabantay sa kanila.

Sumainyo ang katotohanan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,987 total reads

 4,987 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 29,315 total reads

 29,315 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 69,874 total reads

 69,874 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 96,404 total reads

 96,404 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 144,670 total reads

 144,670 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 165,428 total reads

 165,428 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 29,316 total reads

 29,316 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 69,875 total reads

 69,875 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 96,405 total reads

 96,405 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »
Scroll to Top