Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MARTES, AGOSTO 23, 2022

SHARE THE TRUTH

 498 total views

Paggunita kay Santa Rosa de Lima, dalaga

2 Tesalonica 2, 1-3a. 14-17
Salmo 95, 10. 11-12a. 12b-13

Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.

Mateo 23, 23-26

Memorial of St. Rose of Lima, Virgin (White)
Secondary Patroness of the Philippines

Mga Pagbasa mula sa
Martes ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon

UNANG PAGBASA
2 Tesalonica 2, 1-3a. 14-17

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Tesalonica

Tungkol naman sa pagparito ng ating Panginoong Hesukristo at sa pagtitipon niya sa atin, ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, na huwag kayong magugulat agad o mababahala sa balitang dumating na ang Araw ng Panginoon. Huwag kayong maniniwala kahit sabihin nilang ito’y hula o pahayag, o kaya’y sulat na galing sa amin o sa anumang paraan, huwag kayong padadaya kaninuman.

Tinawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahayag namin sa inyo upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Hesukristo. Kaya nga, mga kapatid, manatili kayong matatag sa mga katotohanang itinuro namin sa inyo, maging sa salita o sa sulat.

Aliwin nawa kayo ng ating Panginoong Hesukristo at ng ating Diyos at Ama na umibig sa atin at sa kanyang habag ay nagbigay sa atin ng walang pagbabagong lakas ng loob at matibay na pag-asa. Bigyan nawa kayo ng matatag na kalooban upang inyong maipahayag at maisagawa ang lahat ng mabuti.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 95, 10. 11-12a. 12b-13

Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.

“Panginoo’y siyang hari,” sa daigdig ay sabihin,
“sanlibuta’y matatag na, kahit ito ay ugain;
sa paghatol sa nilikha, lahat ay pantay sa paningin.”

Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.

Lupa’t langit ay magsaya, umugong ang kalaliman,
lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang.
Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumisigaw.

Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.

Pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan.
Ang Poon ay pupurihin, pagkat siya ay daratal,
paririto sa daigdig, upang lahat ay hatulan.
Tapat siya kung humatol at lahat ay pantay-pantay.

Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.

ALELUYA
Hebreo 4, 12

Aleluya! Aleluya!
Buhay ang salita ng D’yos,
ganap nitong natatalos
tanang ating niloloob.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 23, 23-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ibinibigay ninyo ang ikapu ng gulaying walang halaga ngunit kinaliligtaan ninyong isagawa ang lalong mahahalagang araw sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan. Tamang gawin ninyo ang mga ito, ngunit huwag naman ninyo kaliligtaang gawin ang iba. Mga bulag na taga-akay! Sinasala ninyo ang niknik sa inyong inumin, ngunit nilulunok ninyo ang kamelyo!

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Nililinis ninyo ang labas ng tasa at ng pinggan ngunit ang loob nito’y puno ng mga nahuthot ninyo dahil sa kasakiman at pagsasamantala. Bulag na Pariseo! Linisin mo muna ang mga nasa loob ng tasa at ng pinggan, at magiging malinis din ang labas nito!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-21 linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Natitipon bilang Bayan ng Diyos, dalhin natin ang ating mga pangangailangan sa Ama at manalig tayo na kanyang pagbibigyan ang ating mga kahilingan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, basbasan Mo ang taos puso naming pananalangin.

Ang Simbahan nawa’y maging gising sa kanyang tungkulin na ipalaganap ang katarungan para sa lahat sa pamamagitan ng kanyang paglilingkod sa mga dukha, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga opisyal ng gobyerno nawa’y maging tapat sa kanilang pagbibigay ng serbisyo at pagsasakatuparan ng mga programa para sa mga mahihirap at napapabayaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga empleyado at mga manggagawa nawa’y maging magalang at magpakatotoo sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lumisan na sa buhay na ito nawa’y magkaroon ng walang hanggang kaligayahan sa piling ng mga banal sa kalangitan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, palalimin mo ang aming pananampalataya upang umunlad kami sa iyong pag-ibig at lagi kaming maglingkod sa iyo nang may kagandahang-loob at katapatan sa aming puso. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 40,574 total views

 40,574 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 61,639 total views

 61,639 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 84,661 total views

 84,661 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 123,204 total views

 123,204 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Hunyo 27, 2026

 1,104 total views

 1,104 total views Sabado ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Cirilo ng Alejandria, obispo at pantas ng Simbahan o kaya Paggunita sa

Read More »

Biyernes, Hunyo 26, 2026

 2,652 total views

 2,652 total views Biyernes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 25, 1-12 Salmo 136, 1-2. 3. 4-5. 6 Kung ika’y aking limutin, wala

Read More »

Huwebes, Hunyo 25, 2026

 4,032 total views

 4,032 total views Huwebes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 24, 8-17 Salmo 78, 1-2. 3-5. 8. 9 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Miyerkules, Hunyo 24, 2026

 4,981 total views

 4,981 total views Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista Isaias 49, 1-6 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Pinupuri kita, D’yos ko, dahil ako’y nilikha

Read More »

Martes, Hunyo 23, 2026

 5,329 total views

 5,329 total views Martes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 19, 9b-11. 14-21. 31-35a. 36 Salmo 47, 2-3a. 3b-4. 10-11 Lungsod ng D’yos

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top