‘It’s between God and Duterte’-Abp. Cruz

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 479 total reads

Tunay na nangungusap sa kaniyang nilalang ang Panginoon.

Ito ayon kay Lingayen -Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz kaugnay na rin sa isang pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa ulat, galing ng Japan ang Pangulong Duterte at patungong Davao City nang ‘mangusap ang Diyos’ at nangako naman siyang hindi na magmumura.

Sinabi naman ni Cruz na ang pakikipag-usap ng Diyos ay karaniwan namang nangyayari subalit hindi ito malalaman ng ibang tao kung ano ang katotohanan- dahil ito ay sa pagitan lamang ng Diyos at ng iyong sarili.

‘So, this is between God and President Duterte. Sa atin, malalaman natin kung tayo ang kinausap. Ako malalaman ko kung ako. Pero kung kinausap siya o ung iba di natin malaman di tayo makakatiyak.’

Ayon pa kay Cruz, “Silang dalawa ang nagkakaalaman noon kung talagang kinausap sya. Kung kinausap sya salamat naman kahit paano para sa kabutihan niya ‘yon. Kung hindi sya kinausap at kung ito ay naramdaman nya mabuti rin. Pero whether siya kinausap o hindi, its Good news. Kasi hindi magandang pakinggan ung mga ganung salita, lalu na sa isang Pangulo.”

Ayon sa arsobispo, bilang mga nilalang ng Panginoon-nangungusap ang Diyos sa bawat isa subalit dahil sa ingay ng ating mundong ginagalawan ay maaring hindi natin ito naririnig.

“Ang tawag doon ay Divine Providence na ang Panginoon ang kaniyang nilalang…yung kaniyang sinasaklawan niya para sa kabutihan ang magdala sa kanila. Not something out of normal, pagkat mahal tayo, nilalang tayo, tinubos tayo. Aba’y siyempre bilang magulang, pagsasabihan,” paliwanag ni Archbishop Cruz.

Ayon naman kay Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs- walang standard na basehan para masabing totoo nga’ng Diyos ang nagsasalita at kausap ng tao.
Paliwanag ni Secillano, sa kasaysayan ng mga santo na nagsabing nakausap nila ang Diyos, ito ang madalas na palatandaan:

– ang mga mensaheng kanilang narinig ay consistent sa katuruan ng simbahan.

– kung ito man ay bago, napatunayan din itong totoo sa mahabang panahong pag-iimbestiga ng simbahan dahil paulit-ulit itong binabanggit na mensahe galing mismo Diyos.

– hindi lang isang beses nakipag-usap ang Diyos base sa kasaysayan ng mga Santo na nagsabing nakakausap nila ang Panginoon.

Giit pa ni Fr. Secillano, “Depende sa uri ng tao kung paniniwalaan ang kaniyang sinasabing nakakausap niya ang Diyos dahil sa madalas, mga “mystic” o yung may kakaibang kakayahang magpalagom ng kanilang pagninilay ang nabibigyan ng pagkakataong makausap ang Diyos.”

Sa kabilang banda, patuloy namang hinihikayat ng arsobispo ang bawat mananampalataya na tuwina ay manahimik sa kanyang taimtim na pagdarasal para marinig ang pangungusap ng Panginoon.

‘When we pray, we better also listen iyon po ang katotohanan nito. Pag tayo nagdarasal, huwag nating hayaan na tayo lang ang nagsasalita sa Panginoon. Makinig din tayo, dahil bumubulong din po yan, Diyos yan, buhay na buhay. Bihirang bihira po yung taong kinakausap tapos makikiunig lang tapos walang sagot. Walang kibo, pag nagdarasal tayo sa Diyos makinig tayo. Kapag magulo talaga di mo maririnig. Baka malunod ung tinig ng panginoon, taimtim na nananalangin tahimik tayo, k alma din tayo para madinig ang Panginoon,” ayon pa kay Archbishop Cruz.

Si Archbishop Cruz ay isa lamang sa mga pari na nakatanggap ng pagmumura mula sa Pangulo, bukod pa kay Pope Francis nang dumalaw ito sa Pilipinas noong 2016 dahil sa masikip na trapiko-bagama’t humingi naman ang Pangulo ng paumanhin.

Hindi rin nakaligtas sa masamang pananalita ni Pangulong Duterte si US President Barack Obama at Ban Ki Moon ng United Nations.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 15,917 total reads

 15,917 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 39,487 total reads

 39,487 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 75,988 total reads

 75,988 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 296,612 total reads

 296,612 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 330,380 total reads

 330,380 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top