Maligayang kaarawan, mahal na Birheng Maria, aming Ina!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 580 total views

Lawiswis Ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-8 ng Setyembre 2022
Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria, Ina ng Diyos
Larawan kuha ng may-akda, 2019.
O Diyos Amang mapagmahal sa amin, 
kay sarap isipin at namnamin pagdiriwang 
ng pagsilang ng Mahal na Birheng Maria
na Ina ni Hesus at Ina din namin.
Sa unang tingin marahil tatanungin
bakit ang kuwento sa ebanghelyo ay pagsilang ng Kristo?
Ngunit sa dakilang karunungan po Ninyo, O Diyos Ama
dito Mo ibinalot kagandahan at kabutihan
hindi lamang ng kapistahan 
kungdi ng katotohanang hatid nito:
Dumating si Hesus na Anak Mo sa pamamagitan 
ng dalawang mabubuting tao ayon sa plano at kalooban Mo: 
si Jose na mula sa angkan ni David 
na lahi ni Abraham
naging kabiyak ng puso ni Maria
na siyang Ina ng tinatawag naming Kristo.

Alam nating sa lahat ng bagay, ang Diyos ay gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa kanya, ang mga tinawag ayon sa kanyang panukala, sa kanilang ikabubuti. Sapagkat sa mula’t mula pa’y alam na ng Diyos kung sino ang sa kanya; At ang mga itinalaga niya noong una pa ay kanyang tinawag. Ang mga tinawag niya ay kanya ring pinawalang-sala, at ang kanyang mga pinawalang-sala ay kanya namang binigyan ng karangalan.

Roma 8:28-29, 30

Walang pa-chamba-chamba
sa Iyo, O Diyos naming Ama
katulad ng sulat ni San Pablo sa mga taga-Roma:
bahagi ng iyong dakilang plano ang aming
pagsilang at pagparito upang tawagin at piliin
kay Kristo na pumarito din ayon sa iyong plano;
kaya naman aming dalangin, 
matularan namin Mahal na Birheng Maria
sa pagiging masunurin si Kristo ay dalhin
at maibahagi sa mga namimighati at sawi;
higit sa lahat, nawa mahubog din kami
tulad ni Maria sa katauhan ni Kristo na anak niya
upang sa aming kapanatilihan
hatid niyang kaligtasan at kagalakan,
kagalingan at kaliwanagan
laging maranasan!
Maligayang kapistahan ng iyong pagsilang,
Mahal na Birheng Maria!
Salamat sa iyong pakikiisa sa plano ng Diyos
pati kami ngayon ay nalapit sa Kanya kay Kristo
na iyong isinilang at hindi ipinagkait kanino man;
Ipanalangin mo kami, Birheng Maria na aming Ina,
huwag mawalay bagkus patuloy na lumapit at kumapit
kay Jesus na aming kapatid;
katulad mo ay amin ding mahalin
at pahalagahan bawat buhay na kaloob ng Diyos Ama,
lalo na mga nasa pinakamahinang kalagayan
sa sinapupunan ng kanilang ina 
at sa mga nasa katandaan at banig ng karamdaman.
Ngayong panahon pa rin ng pandemya
aming hiling pa rin ang iyong mga panalangin
Mahal naming Ina, kami ay laging pagpalain!
Amen. 

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 31,396 total views

 31,396 total views Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey. Bibisitahin ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 45,806 total views

 45,806 total views Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 110,332 total views

 110,332 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 179,726 total views

 179,726 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 210,405 total views

 210,405 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 242,252 total views

 242,252 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our continuing journey in Christ

 13,476 total views

 13,476 total views Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II First Friday in August, Eighteenth Week of Ordinary Time, Year

Read More »

God’s boundless love and mercy

 12,481 total views

 12,481 total views Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday in the Eighteenth Week of Ordinary Time, Year II,

Read More »
Scroll to Top