VeritasPH

The Word, The Truth

BABAE SA LIKOD NG BAWAT DAKILANG LALAKI

SHARE THE TRUTH

 332 total views

Homiliya para sa Kapanganakan ng Mahal na Birhen Maria, Huwebes, Ika-8 ng Setyembre 2022, Mat 1:18-23

Karamihan sa mga pyesta ng mga santo at santa ng simbahan ay ipinagdiriwang natin sa araw ng kanilang kamatayan. Itinuturing kasi natin ang kamatayan bilang araw ng kanilang pagsilang sa buhay na walang hanggan.

Pero sa kalendaryo ng Simbahan may tatlong tao lang tayong pinagbe-birthday o ginugunita sa mismong kapanganakan nila. Ang ating Panginoong Hesukristo sa araw ng December 25 o na tinatawag sa Ingles na “Christmas”, si San Juan Bautista kapag June 24, araw na tinatawag namang “Baptistmas”, at si Mama Mary sa araw na ito ng Sept 8 na tinatawag na “Marymas”.

At ang dalawa sa kanila, pati ang araw na sila ay ipinaglihi ginugunita rin natin: si Hesus at ang Inang Maria. Ang paglilihi kay Hesus ay sa March 25, at ang kay Mama Mary sa December 8, eksaktong 9 months bago sila ipinanganak. Bakit kaya?

Mayroong isang kasabihan sa Ingles, “Behind every great man is a woman.” Sa likod daw ng bawat sinumang lalaking dakila ay may isang babae. Palagay ko ito ang pangunahing dahilan kung bakit ipinagbe-birthday natin si Mama Mary. Para sa ating mga Kristiyano si Hesus ay hindi lang dakila kundi PINAKADAKILA, dahil hindi lang Anak ng Tao ang turing natin sa kanya kundi “Anak ng Diyos”! Kaya ang ina na nagsilang sa kanya ay espesyal din; hindi lang siya nagdalang-tao kundi “nagdalang-Diyos.” Iyon ang literal na kahulugan ng title na “Theotokos” sa Griyego: ANG NAGDALANG-DIYOS. Kaya tinatawag natin si Mama Mary bilang “Bukod na pinagpala sa babaeng lahat,” ayon sa sinabi ni Elisabet tungkol sa kanya, dahil ang ibinunga ng sinapupunan niya ang pinakamalaking pagpapala sa sangkatauhan.

Ang kuwento tungkol sa pagsilang ni Maria ay wala naman sa Bibliya. Pero maagang umusbong ang tradisyon na ito sa mga Kristiyano. Matatagpuan ito sa tinatawag na chapter 4 ng Proto-ebanghelyo ni Santiago na isinulat noong 2nd century. At mukhang iyon din ang pinagmulan ng kuwentong mababasa rin sa chapter 3 ng Qur’an, ang tinuturing na Banal na Kasulatan ng mga kapatid nating Muslim.

Isang buong kabanata ang inilaan sa Qur’an tungkol kay Mama Mary. Ang pamagat nito ay AL-IMRAN. Sa Arabic, “Hannah” ang tawag kay Sta Ana, “Imran” ang tawag kay San Joaquin, at “Mariam” naman ang tawag kay Mama Mary. Parang hawig ang kuwento ng Qur’an tungkol kay Hannah na asawa ni Imran sa kuwento ng Bibliang Hebreo tungkol kay Hannah na asawa ni Elkanah.

Di ba’t ayon sa kuwento sa chapter 1 ng Unang Aklat ni Samuel, baog daw si Hannah at sa kanyang katandaan nagdasal daw siya sa Diyos na kung pagkalooban pa siya ng anak kahit matanda na siya, itatalaga niya ito para maglingkod sa templo bilang isang pari. Natupad daw ang hiling niya at nagkaanak siya ng isang lalaki at ang pangalan ay Samuel na naging dakilang propeta.

Kaya sinasabi kong hawig, sa Kasulatan naman ng mga Muslim sa Qur’an, parang ganito rin daw ang dinasal ni Santa Ana, “Panginoon, sa iyo ko itinatalaga ang nasa sinapupunan ko, pinaging-banal mo upang maglingkod sa iyo, kaya tanggapin mo po siya mula sa akin. Kayo ang nakaririnig at nakaaalam.”

Pero nang manganak siya ang sabi daw niya sa Diyos, “Panginoon ko, babae po ang isinilang ko!” Ngunit alam na alam daw ng Diyos ang iniluwal niya, [at winika sa kanya], “Ang lalaki ay hindi tulad ng babae. At Maria ang ipinangalan ko sa kanya, at paaalagaan ko siya sa iyo alang-alang sa susunod na salinlahi, (upang sila’y mailigtas) mula kay Satanas, ang nataboy mula sa habag ng Diyos.”

At ayon sa kuwento ng Qur’an, dinala pa rin siya sa templo kahit babae siya at pinaalagaan kay Zacarias na pari noong bata pa siya.

Sa likod ng bawat dakilang lalaki ay may isang babae. Sa likod ni Jose Rizal, ang babaeng ito ay si Teodora Alonzo Realonda. Sa likod ni Ninoy Aquino naman ay Si Ginang Aurora Aquino. Sa likod ni Papa Francisco ay ang nanay niyang si Regina Maria Bergoglio.

Ang araw na ito ang dapat naging Mother’s day para sa Kristiyanismo. Di ba’t ang pinakabuod ng pagiging Kristiyano ay pagiging bahagi ng Katawan ni Kristo? Kaya mahal natin hindi lang ang Anak, kundi pati ang Ina. Ang nanay niya ay nanay din natin. Kaya buong giliw na tinatawag natin siyang “Mama Mary”, “Indung Birhen” sa Kapampangan, o “Ina” sa Bikolano. Tinotoo natin ang sinabi niya sa Minamahal na Alagad niya, “NARIYAN ANG IYONG INA.” Kaya malakas ang loob nating magpaampon sa kanyang Ina, ay dahil kaibigan at kapatid ang turing sa atin ng Anak niya.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 12,981 total views

 12,981 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 20,966 total views

 20,966 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 28,502 total views

 28,502 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 44,487 total views

 44,487 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 52,531 total views

 52,531 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 389 total views

 389 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,144 total views

 3,144 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,559 total views

 7,559 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,885 total views

 2,885 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,408 total views

 3,408 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,907 total views

 4,907 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,751 total views

 5,751 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,006 total views

 4,006 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,219 total views

 8,219 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,452 total views

 7,452 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,662 total views

 11,662 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,110 total views

 5,110 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,114 total views

 5,114 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,114 total views

 5,114 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 5,106 total views

 5,106 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top