Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MARTES, SETYEMBRE 20, 2022

SHARE THE TRUTH

 486 total views

Paggunita kina San Andres Kim Taegon, pari at martir,
San Pablo Chong Hasang, at mga kasama, mga martir

Kawikaan 21, 1-6. 10-13
Salmo 118, 1. 27. 30. 34. 35. 44

Sa pagsunod sa utos mo,
Poon, pangunahan mo ‘ko.

Lucas 8, 19-21

Memorial of St. Andrew Kim Taegon, Priest, and
St. Paul Chong Hasang, and Companions, Martyrs
 (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Martes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Kawikaan 21, 1-6. 10-13

Pagbasa mula sa aklat ng mga Kawikaan

Hawak ng Panginoon ang isip ng isang hari
at naibabaling niya ito kung saan igawi.
Ang akala ng tao lahat ng kilos niya ay wasto
ngunit ang Panginoon lang ang nakasasaliksik ng puso.
Ang paggawa ng matuwid at kalugud-lugod
ay higit na kasiya-siya sa Panginoon kaysa mga handog.
Ang masama ay alipin ng kapalaluan,
ang ganitong ugali ay kasalanan.
Ang mabuting pagbabalak ay pinakikinabangan
ngunit ang dalus-dalos na paggawa’y walang kahihinatnan.
Ang pagkakamal ng salapi dahil sa kadayaan
ay maghahatid sa maagang kamatayan.
Ang isip ng masama’y lagi sa kalikuan
kahit na kanino’y walang pakundangan.
Parusahan mo ang manlilibak at matututo ang mangmang,
pagsabihan mo ang matino, lalong lalawak ang kaalaman.
Alam ng Diyos ang nangyayari sa loob ng bahay ng masama
kaya siya’y gumagawa ng paraan upang sila’y mapariwara.
Ang hindi pumapansin sa hibik ng mahirap
daraing din balang araw ngunit walang lilingap.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 1. 27. 30. 34. 35. 44

Sa pagsunod sa utos mo,
Poon, pangunahan mo ‘ko.

Mapalad ang mga taong malinis ang pamumuhay,
ayon sa utos ng Poon ang gawain araw-araw.

Sa pagsunod sa utos mo,
Poon, pangunahan mo ‘ko.

Ang lingkod mo ay turuang masunod ang kautusan,
sa utos mong mapang-akit, ako nama’y mag-aaral.

Sa pagsunod sa utos mo,
Poon, pangunahan mo ‘ko.

Ang pasiya ko sa sarili, ako’y maging masunurin,
sa batas mo, ang pansin ko ay doon ko ibabaling.

Sa pagsunod sa utos mo,
Poon, pangunahan mo ‘ko.

Ituro mo ang batas mo’t sisikapin kong masunod,
buong pusong iingata’t susundin nang buong lugod.

Sa pagsunod sa utos mo,
Poon, pangunahan mo ‘ko.

Sa pagsunod sa utos mo, ako’y iyong pangunahan,
sa utos mo’y naroroon ang ligayang inaasam.

Sa pagsunod sa utos mo,
Poon, pangunahan mo ‘ko.

Lagi akong tatalima sa bigay mong kautusan,
susundin ko ang utos mo habang ako’y nabubuhay.

Sa pagsunod sa utos mo,
Poon, pangunahan mo ‘ko.

ALELUYA
Lucas 11, 28

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang sumusunod
sa salitang buhat sa D’yos
at namumuhay nang angkop.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 8, 19-21

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, dumating ang ina at mga kapatid ni Hesus, ngunit hindi sila makalapit dahil sa dami ng tao. May nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid; ibig nilang makipagkita sa inyo.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at tumutupad nito ang siya kong ina at mga kapatid.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Ang pangaral ni Jesus sa Ebanghelyo at ang kanyang sariling buhay ang ating panuntunan sa pagnanais nating malaman ang kalooban ng Diyos. Manalangin tayo sa Diyos Ama upang makasunod tayo sa kanyan at maisabuhay ang kanyang pangaral.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Maging ganap nawa sa aming buhay ang Iyong kalooban, O Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y isabuhay ang espiritu ng Ebanghelyo at tuwinang hanapin ang kalooban ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang mapalalim ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng ating paglilingkod sa mga dukha, may kapansanan, at yaong mga kapuspalad, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y maging mga tunay na bahagi ng pamilya ng Diyos sa pamamagitan ng pagiging tapat sa kalooban ng Diyos Ama sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang isabuhay sa araw-araw na pangyayari at kagapan ng ating buhay ang Salita ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magtamo ng walang hanggang liwanag at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, gawin mo kaming karapat-dapat na maging bahagi ng iyong pamilya sa pamamagitan ng aming pananampalatayang ipinahahayag sa mabubuting gawain. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 51,997 total views

 51,997 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 119,485 total views

 119,485 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 140,550 total views

 140,550 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 162,268 total views

 162,268 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 195,652 total views

 195,652 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Hulyo 1, 2026

 761 total views

 761 total views Miyerkules ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Amos 5, 14-15. 21-24 Salmo 49, 7. 8-9. 10-11. 12-13. 16bk-17 Ang masunurin sa Diyos

Read More »

Martes, Hunyo 30, 2026

 2,168 total views

 2,168 total views Martes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mga Unang Martir ng Banal na Sambayanan ng Diyos sa Roma Amos

Read More »

Lunes, Hunyo 29, 2026

 3,675 total views

 3,675 total views Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo Mga Gawa 12, 1-11 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Ang D’yos ang siyang

Read More »

Linggo, Hunyo 28, 2026

 4,566 total views

 4,566 total views Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 2 Hari 4, 8-11. 14-16a Salmo 88, 2-3. 16-17. 18-19 Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong

Read More »

Sabado, Hunyo 27, 2026

 5,334 total views

 5,334 total views Sabado ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Cirilo ng Alejandria, obispo at pantas ng Simbahan o kaya Paggunita sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top