Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 610 total reads

Kapanalig, isa sa mga nakakamiss sa ating pulitika nitong mga nakaraang taon ay ang presensya ng pinunong tunay na kasama ng mga Filipino. Lalo ngayon, pahirap ng pahirap ang buhay ng lahat. Ang piso natin, lumiliit na ang halaga, habang ang mga bilihin, pataas naman ng pataas ang halaga. Kaya nga’t nakaka-excite sana para sa marami ang mga katagang “unity.” Sino ba naman ang tatanggi sa pagkakataon na magkaisa tayo habang ang lider natin ay tunay na nakiki-isa sa atin?

Kaya nga lamang, sunod-sunod ang mga isyu ngayon sa ating bansa na sa halip na mag-isa sa atin, ay nagwawatak-watak sa atin. Maliban sa kahirapan, nandyan pa rin ang isyu ng kakulangan sa access sa mga batayang serbisyo, gaya ng para sa kalusugan. May COVID pa rin sa ating paligid, pero liban dito, may mga iba pa ring mga nakamamatay na sakit na kay hirap bigyang lunas sa ating bansa. Isang halimbawa ay ang tuberculosis. Ayon sa isang pagsusuri, tinatayang may isang milyong Filipino ang may TB pero marami sa kanila, di nila alam na meron sila nito. Mga 60 Filipino ang namamatay sa sakit na ito kada araw. Huwag na nating idagdag pa ang mga sakit gaya ng dengue o di kaya diabetes. Sa usaping access to health, ang mga maralita ay laging lugi. Kadalasan, marami sa kanila, lalo na silang mga nasa malalayong lugar sa bansa, ay di maramdaman ang pangkalusugang pagkalinga ng pamahalaan.

Isa pang isyu nagpapakita na sa halip na hindi inklusibo ang service delivery sa ating bayan ay ang kakulangan ng budget para sa special education. Isipin mo kapanalig, umaabot ng 5.1 million na batang Filipino ay may disabilities o kapansanan, pero walang nakalaan na budget para sa kanila ngayong darating na 2023. Kulang na kulang na nga mga SPED o special education centers at teachers, pero mas inuuna ng kasalukuyang DepEd leadership ang confidential funds. Marginalized na nga ang mga children with disabilities dahil sa kapansanan at kahirapan ng marami sa kanila, lalo pang namarginalized dahil sa kakulangan ng access para sa dekalidad na edukasyon.

Isa pang isyu kapanalig, ay ang imprastraktura ng bayan, lalo na ang mga kaugnay ng public transport. Kung susuriin, ang ating transport system ay pro-vehicles, at hindi pro-commuters. Padami ng padami at pa-lawak ng pa-lawak ang ating mga lansangan, pero pasikip ng pasikip ang mga jeep, bus, tren, pati na ang mga terminal at istasyon. At para ma-access mo ang sasakyang ito, para kang araw-araw nagpe-penitensya sa taas ng mga overpass at access sa tren, at sa haba ng pila para lamang maka-sakay.

Kapanalig, hindi ganito ang itsura ng pagkakaisa. Ang pinagdadaanan ng maraming maralitang Filipino ngayon ay parang naisahan, hindi pakikiisa. Ang araw-araw nilang kalbaryo ay nagtatanggal na ng kanilang dangal at dignidad hindi lamang bilang kapwa Filipino, kundi bilang tao. Kung tunay na pagkakaisa ang hangad natin, bakit hindi natin gawing mas inklusibo ang ating lipunan upang tunay na mayakap ang mga maralita, hindi lamang sa salita kundi pati sa polisiya at gawa?

Kapanalig, mapukaw sana ng mga kataga ni Pope Francis mula sa Evangelii Gaudium ang ating mga pinuno ngayon: Demands involving the distribution of wealth, concern for the poor and human rights cannot be suppressed under the guise of creating a consensus on paper or a transient peace for a contented minority. The dignity of the human person and the common good rank higher than the comfort of those who refuse to renounce their privileges. When these values are threatened, a prophetic voice must be raised.

Sumainyo ang Katotohanan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 10,995 total reads

 10,995 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 39,792 total reads

 39,792 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 80,351 total reads

 80,351 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 106,177 total reads

 106,177 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 154,444 total reads

 154,444 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 174,774 total reads

 174,774 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 39,793 total reads

 39,793 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 80,352 total reads

 80,352 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 106,178 total reads

 106,178 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »
Scroll to Top