Espinosa, malaking kawalan sa kampanya laban sa iligal na droga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 446 total reads

Aminado ang Malacanang na malaking kawalan para sa gobyerno ang pagkamatay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, malaking tulong ang mga impormasyong nalalaman ng sumukong alkalde sa patuloy na pagtugis ng pamahalaan sa lahat ng mga sangkot sa pagpapalaganap ng kalakalan ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.

Pagbabahagi ng Kalihim, maituturing na isang asset sa mas malalim na imbestigasyon ng pamahalaan sa industriya ng ilegal na droga sa bansa si Mayor Espinosa na ama ng isa sa mga itinuturong drug lord sa Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa.

“Alam natin na si Mayor Espinosa ay malaking tulong ito sa ating gobyerno sa pag-galugad at sa paghanap ng mga involved sa illegal drugs kung baga, si Mayor Espinosa is an asset to the government’s investigation sa mga may sangkot o sangkot sa pagbebenta ng illegal na droga. Lalong lalo na the upper echelons of the drug ring. I am also sad that this happened kasi nga malaki sana ang maitutulong ni Mayor Espinosa sa imbestigasyon ng ating gobyerno para ma-pin down kung sino-sino ‘yung mga involved sa illegal drugs. Lalong-lalo na ‘yung mga taong gobyerno na diumano’y may kinalaman sa paglago ng shabu sa bansa natin…” ang bahagi ng pahayag ni PCO Secretary Martin Andanar.

Kaugnay nga nito, kasalukuyan nagsasagawa ng imbestigasyon ang Department of Justice, Philippine National Police at maging Commission on Human Rights sa tunay na dahilan ng pagkamatay ni Mayor Espinosa sa loob mismo ng kanyang selda.

Samantala, batay sa pinakahuling datos ng PNP, tinatayang umaabot na sa 4,000 ang napatay sa ilalim ng patuloy na War on Drugs ng pamahalaan mula noong buwan ng Hulyo.

Una nang iginiit ng Simbahang Katolika na nararapat pa ring pairalin ng mga otoridad ang proseso ng batas at bigyang paggalang ang karapatang pantao maging ng mga hinihinalang sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 43,231 total reads

 43,231 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 80,816 total reads

 80,816 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 116,113 total reads

 116,113 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 342,383 total reads

 342,383 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 233,247 total reads

 233,247 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top