Mag-impok at maglaan ng oras sa pamilya, payo ng obispo sa OFWs ngayong Pasko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 377 total reads

Pinaalalahanan ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang mga OFWs o overseas Filipino workers na uuwi sa bansa at magpapadala ng kanilang balikbayan boxes.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, kailangan gugulin ng mga OFWs sa kanilang pamilya ang oras at pagkakataon sa pag-uwi nila sa Pilipinas.

Paalala naman ng obispo sa mga magpapadala ng balikbayan boxes sa kanilang kaanak na magtipid – tipid sa pamimili nang kanilang ipapadala lalo’t mas mahalaga aniyang may naipupundar sila para sa kinabukasan ng kani – kanilang pamilya.

“Ang ating unang paalala sa kanila ay to extend more time with the family much on expending money on time. Ikalawa ay sinasabi natin na mag – ipon at mag – ingat sa paggastos, mag – save para sa kanilang kinabukasan. Ikatlo, yung ipapadala nila yung panawagan naman natin ay sa mga naririto na yung pinadala na kahon na balikbayan boxes na pinaghirapan at pinag – isipan, inayos ay dapat pagdating dito ay ating ingatan, alagaan at pasikupan na ito ay larawan, ito ay bagay ng pagmamahal ng ating mga OFWs na katulad natin ay nagta – trabaho para sa mahal natin sa buhay,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Sinabi pa ni Bishop Santos sa mga tatanggap naman ng padalang balikbayan boxes at remittances sa kanilang kaanak dito sa bansa na suklian ito ng may pagpapahalaga at pagbibigay ng sapat na oras o panahon.

“Pagdating naman dito yung tumanggap ay magpasalamat, magpahalaga at maglaan ng panahon, oras at kwentuhan. Purihin at pasalamatan sa kanilang tinanggap mula sa kanilang mahal sa buhay na saktong – sakto yung sapatos, bagay ko yung damit. Huwag nilang hayaang makalimot na magpasalamat, magpahalaga at pagka – ingatan ang ipinadala,” giit pa ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Ayon sa Bureau of Customs, nasa 1,500 containers ng balikbayan boxes ang pumapasok sa bansa kada buwan o katumbas ito ng 18,000 kada taon o umaabot sa 7.2 milyong balikabayan boxes na maituturing na “love box” ng halos 2.4 na milyong OFWs na lumabas sa bansa mula April hanggang September ng 2015.

Samantala, nauna na ring kinilala ni Pope Francis ang katatagan at sakripisyo ng mga OFWs sa iba’t ibang panig ng mundo na nagsusumikap para lamang maibigay ang magandang kinabukasan sa kanilang pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 44,979 total reads

 44,979 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 82,493 total reads

 82,493 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 117,791 total reads

 117,791 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 344,061 total reads

 344,061 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 234,864 total reads

 234,864 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 293,855 total reads

 293,855 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 406,405 total reads

 406,405 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top