Ano ang lagay ng mga batang babae?

SHARE THE TRUTH

 202 total views

Mga Kapanalig, idineklara ng United Nations ang ika-11 ng Oktubre bilang International Day of the Girl Child. Ito ay upang kilalanin ang mga karapatan ng mga batang babae sa buong mundo at bigyang-pansin ang mga hamong kinahaharap nila. Bagamat mayroon nang pagkilala sa karapatan at kapakanan ng mga batang babae sa iba’t ibang panig ng mundo, marami pa rin sa kanila ang nananatiling nasa dehadong kalagayan. Maraming batang babae ang hindi nakakapag-aral o tumigil na sa pag-aaral. Marami ang walang access sa mga serbisyong mangangalaga sa kanilang kalusugan at kalinisan ng katawan. Marami rin ang biktima ng pang-aabuso at karahasan.

Ayon sa Sustainable Development Goals Report 2022, tinatayang madaragdagan ng 10 milyong batang babae ang magiging child brides o mga batang babaeng ikinakasal pagsapit ng 2030. Dagdag ito sa inaasahang 100 milyong batang babae na nanganganib din maging child brides bago pa man ang pandemya. Sa datos noong 2021, isa sa limang batang babae ang ikinakasal bago pa sila tumuntong ng edad 18.

Sa usapin ng edukasyon, kabilang ang mga batang babae sa 147 milyong batang hindi nakapag-aral nang maayos sa nakalipas na dalawang taon. Lubhang naapektuhan ang pag-aaral ng nila ng pagsasara ng mga paaralan dahil sa pandemya. Maliban sa kahirapan, hadlang din sa pagpasok nila sa paaralan ang tipikal o karaniwang papel ng mga batang babae sa loob ng tahanan. Sila ang madalas inaatasang tumulong sa mga gawaing-bahay at mag-alaga sa mga nakababata nilang kapatid.

Hindi rin sila ligtas mula sa panganib na dulot ng child labor. Nasa 63 milyon sa 160 milyong child laborers ay mga batang babae.

Sa Pilipinas, talamak din ang isyu ng maagang pagbubuntis at ang online sexual abuse and exploitation of children, kung saan mga batang babae ang karaniwang biktima.

Sa naturang mga sitwasyon ng mga batang babae, walang dapat sayanging panahon ang mga tao at institusyong dapat kumakalinga sa kanila. Gaya ng wika sa Mga Awit 127:3, “ang mga bata ay pagpapala at gantimpalang mula sa Panginoon”. Kailangan nila ng suporta at proteksyon na responsibilidad at tungkulin ng kanilang pamilya, ng pamahalaan, at ng buong pamayanan, kabilang ang Simbahan. Maliban sa kalinga, suporta, at proteksyon, mahalaga rin ang pakikinig sa kanilang mga opinyon at saloobin, ang pagsagot sa kanilang mga tanong, at ang paglalaan ng espasyo kung saan malaya silang makapagpapahayag ng kanilang sarili at makapag-aambag sa mga bagay na may kinalaman sa kanila.

Katulad ng mensahe ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Fratelli Tutti, dapat laging bukás at handang makinig sa ibang pananaw ang mga nasa pamahalaan nang sa gayon ay walang naiiwan sa kanilang nasasakupan at pinaglilingkuran. Isa sa mga paraan upang mabigyang-pansin at matugunan ng mga kinauukulan ang mga isyung kinakaharap ng mga bata ay ang pagsasaalang-alang sa proseso ng child participation o makabuluhang pakikilahok ng mga bata sa mga programa at proyektong para sa kanilang kapakanan. Sa pamamagitan nito, maibabahagi ng mga batang babae ang kanilang saloobin at opinyon sa mga isyung apektado sila.

Mga Kapanalig, dapat pagtuunan ng atensyon ang mga salik at isyung nakaapekto sa kabuuang pag-unlad ng mga batang babae. Mahalagang tugunan, lalo na ng Estado, ang mga hamong kinahaharap ng mga batang babae sa bansa. Kailangang palakasin ang mga programa at mga serbisyong magsisilbing daan sa pagpapalakas ng kumpiyansa sa sarili ng bawat batang babae. Kailangan ang mahigpit at epektibong pagpapatupad ng batas na sasanggalang sa kanila mula sa kapahamakan at karahasan nang sa gayon ay mapabuti ang kapakanan ng bawat batang babae. Kung naibibigay ang kinakailangang suporta at oportunidad sa kanilang paglaki at paglago, malaki ang maiaambag nila sa ikauunlad ng lipunang kanilang kinabibilangan.

Sumainyo ang katotohanan.    

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 27,875 total views

 27,875 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 33,293 total views

 33,293 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 40,000 total views

 40,000 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 54,796 total views

 54,796 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 60,952 total views

 60,952 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 27,876 total views

 27,876 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 33,294 total views

 33,294 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 40,001 total views

 40,001 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 54,797 total views

 54,797 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 60,953 total views

 60,953 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 40,006 total views

 40,006 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 50,590 total views

 50,590 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 58,807 total views

 58,807 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 43,040 total views

 43,040 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 49,016 total views

 49,016 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 52,109 total views

 52,109 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 41,814 total views

 41,814 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 42,702 total views

 42,702 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 58,005 total views

 58,005 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 70,414 total views

 70,414 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top