Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 619 total reads

Kapanalig, pagdating sa edukasyon, ang karaniwang nagiging usapan sa ating lipunan ay ang transisyon sa online learning noong panahon ng pandemya, at ang transisyon sa pagbabalik sa face-to-face classes nang humupa naman ang pandemya. Medyo nakalimutan natin, kapanalig, ang ibang mag-aaral na bago pa man dumating ang COVID-19, ay hindi na nakakapasok sa pormal na paaralan – silang mga mag-aaral na nag-a-avail ng alternative education.

Ayon sa Department of Education (DepEd), ang Alternative Learning System (ALS) ay isang learning system para sa mga out-of-school youth (OSY) at adult learners. Sa ALS, ang mga learners na ito ay tinuturuan ng basic at functional literacy skills at tinutulungan silang makapagtapos ng basic education. Binibigyan sila ng second chance para makapagtapos.

Bago pa man dumating ang pandemya, modular na ang mode of education sa mga community learning centers ng ALS. Kadalasan, pupunta ang mga mag-aaral sa mga centers na ito minsan o mahigit pa sa isang linggo para makipagkita sa guro o facilitator. Ang learning plan sa ALS ay flexible. Kadalasan, depende sa pangangailangan ng mag-aaral. Kapag natapos ng estudyante ang programa, kukuha siya ng ALS Accreditation and Equivalency test upang maka-usad sa next level.

Ang ALS program kapanalig, ay napaka-halaga. Ayon sa UNICEF, mula 2016 hanggang 2020, mga 4.2 milyong OSY at adults ang nakapag-patuloy ng pag-aaral dahil sa ALS. Ang laking benepisyo nito kapanalig, kaya maganda sana na pagtibayin pa ng pamahalaan ang ALS sa ating bayan. Ang dami na ng natulungan nito. Ayon sa World Bank, tinatayang 130,000 learners ang nakakatapos ng high school dito kada taon. Ang mga nakapagtapos ay kumikita ng mas malaki ng P7,400 kaysa sa mga high school dropouts. Mas marami rin sa mga pumasa ang nagkakaroon ng full-time employment at 60% sa kanila ay nagpapatuloy pa sa pag-aaral at sa training.

Kaya sana, ngayong bumabalik na ang lahat ng mag-aaral sa pormal na edukasyon, huwag din natin kaligtaan ang ang mag-aaral sa alternative learning system. Habang ating pinalalakas ang formal education, patatagin din natin ang ALS. Ang pagsasagawa nito ay kongkretong aksyon tungo sa panlipunang katarungan. Sabi nga ni Pope Francis sa kanyang mensahe sa  paglulunsad ng educational alliance noong 2019–  First, we must have the courage to place the human person at the centre. To do so, we must agree to promote formal and informal educational processes that cannot ignore the fact that the whole world is deeply interconnected, and that we need to find other ways, based on a sound anthropology, of envisioning economics, politics, growth and progress.

Sumainyo ang Katotohanan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 21,867 total reads

 21,867 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 22,160 total reads

 22,160 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 46,024 total reads

 46,024 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 167,162 total reads

 167,162 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 217,525 total reads

 217,525 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 344,581 total reads

 344,581 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 427,678 total reads

 427,678 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi krimen ang magprotesta

 46,025 total reads

 46,025 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 167,163 total reads

 167,163 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 217,526 total reads

 217,526 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 344,582 total reads

 344,582 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »
Scroll to Top