Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 770 total reads

29th Sunday Cycle C

Ex 17:8-13 2 Tim 3:14-4:2 Lk 18:1-8

Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin sa misang ito: “Ama naming makapangyarihan, gawin mong lagi naming matapat na sundin ang loob mo upang kami’y wagas na makapaglingkod sa iyo.” Paano natin malalaman ang kalooban ng Diyos upang ito ay ating magawa? Hindi naman niya tinatago sa atin ang gusto niya. Malalaman natin ito kapag binabasa natin ang Bibliya, ang Banal na Kasulatan. Nakasisiguro tayo na tama ang nasa Bibliya kasi, tulad ng narinig natin kay San Pablo sa ating ikalawang pagbasa: “Lahat ng kasulata’y kinasihan ng Diyos (inspired by God) at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan.” Sana tulad ni Timoteo masasabi natin na mula nang pagkabata natin alam na natin ang Banal na Kasulatan. Kung hindi ito totoo sa atin, maaari naman tayong magsimula na ngayong alamin ito. Paano? Basahin ang Bibliya. Magbasa na tayo ng Banal na Kasulatan. Ang Espiritu Santong gumabay sa mga manunulat ng Bible ay gagabay din sa atin upang maintindihan ang nilalaman nito.

Ginagabayan tayo ng Bibliya sa matuwid na pamumuhay. Ang paksa ng ating ebanghelyo at unang pagbasa, at palaging inuugnay ito – ang ebanghelyo at ang unang pagbasa – ang paksa ng mga ito ay panalangin. Manalangin tayo nang may malaking pananalig. Dahil sa pananalig na ito nagtitiyaga tayong magdasal. Hindi lang na tayo ay nagdarasal. Magdasal tayo palagi – pray always. Magtiyaga sa pagdasal. Persevere in prayer. Ang katotohanang ito ay binibigyan ng diin ng mga pagbasa natin sa Bible ngayong Linggo. Dito tayo ginagabayan ng Banal na Kasulatan.

Hinadlangan ng mga Amelecita ang mga Israelita nang sila ay lumalakad sa disyerto patungo sa lupang ipinangako sa kanila. Sa Refidim sinalakay sila ng mga Amelecita. Binigyan ng instructions ni Moises si Josue na kumuha ng mga tauhan at harapin ang mga kaaway. Si Moises naman, na noon ay matandang matanda na, higit ng 80 years old na, ay umakyat ng burol upang ipagdasal ang mga Israelita. Dala-dala ang kanyang tungkod, itinaas niya ang dalawang kamay niya sa panalangin. Habang nakataas ang kanyang mga kamay, nananalo si Josue at ang mga Israelita. Ngunit dahil sa matanda na siya, madali siyang mangalay. Kapag nakababa ang kanyang kamay, natatalo ang mga Israelita. Ang ginawa ni Aaron at ni Hur, pinaupo si Moises sa isang bato at inalalayan ang kanyang kamay upang ito ay manatiling nakataas. Kaya nakataas nga ang kamay ni Moises ng buong araw at natalo ni Josue ang mga Amelecita. Mabisa ang dasal ni Moises na pinapakita ng kanyang kamay na nakataas. Siya ang prayer warrior habang ang mga warriors ni Josue ay nakikipagdigma sa baba. Ang pagtalo sa kaaway ay hindi lang dala ng magagaling na mga sundalo, kundi ng tulong ng Diyos. Dito malaki ang papel ng mga prayer warriors.

Ang mabibisa na mga prayer warriors ay ang mga matatanda, ang mga may sakit at ang mga bata. Tulungan natin silang magkapagdasal nang palagi. Ngayong October 18 sinisikap natin na magkaroon ng 1 million na mga bata na magdasal ng rosary para sa kapayapaan sa mundo na kailangang- kailangan natin ngayon na malakas ang tensions sa Ukraine, sa Iran, sa North Korea, sa Nicaragua at sa iba pang bahagi ng mundo. Isama natin ang mga anak, apo, pamangkin at kapatid natin na magdasal ng rosary.

Ang bisa ng palagiang panalangin ay ang tinukoy ni Jesus sa kanyang talinhaga na ating narinig. Sinabi ni San Lukas na isinaysay ni Jesus ang talinhagang ito upang ituro sa mga alagad na dapat silang manalangin nang palagi at huwag manghinawa na magdasal. Ang masamang hukom na hindi nagbibigay ng katarungan at hindi natatakot sa Diyos at sa tao ay pinagbiyan ang babaeng balo dahil sa kanyang palagiang paglapit sa kanya na humihingi ng katarungan. Ang Diyos ay hindi masamang hukom. Nagbibigay siya ng katarungan. Pero may pananampalataya ba tayong magtiyaga sa pagdarasal? Ang pananalig natin ay ating pinapakita hindi lang sa ating pagdarasal kundi sa ating MATIYAGANG pagdarasal. Ang pagtitiyaga ay tanda ng ating pananalig na ang Diyos ay maasahan, na kahit hindi agad tayo pinagbibigyan, hindi niya tayo pababayaan.

Hirap tayo sa matiyaga at palagiang pagdarasal dahil sinasanay tayo ng ating kultura ngayon na INSTANT, AGARAN. Isang pindot lang nag-iba na ang channel. Ilang pindot lang nakapadala na kaagad tayo ng text message. Ilang sandali lang at nandiyan na mainit ang kape o noodles natin. Gusto natin nandiyan agad. Kaya hindi na tayo nagtatagal sa relationships at pati na sa trabaho. Baka ganyan din ang magiging pakikitungo natin sa Diyos – isang simba lang, o isang pagnonobena lang inaasahan natin na nandiyan na kaagad ang ating hinihingi.

Kaya ng Diyos na magbigay agad. Ang problema ay tayo: mapapahalagahan ba natin ang kaagad na tinanggap. Alam ba natin na mahalaga ang ating hinihingi, o basta lang ito sumagi sa isip natin o nakita lang natin sa iba at kaagad gusto din natin ito, at ating ipinagdasal. Hindi nagmamadali ang Diyos – in his time. May timing siya at iyan ay para sa ikabubuti natin.

Ang mahalaga sa Diyos ay hindi ang mga bagay na binibigay niya. Ang mas mahalaga sa kanya ay ang relationship na napapahigpit sa ating palagiang paglapit sa kanya. Pinapanabik niya tayo hindi sa mga bagay, kundi sa kanya. Bini-build-up niya ang ating tiwala sa kanya. Kaya palagi tayong magdasal at huwag manghinawa.

Sa ating pagdarasal hinuhubog tayo ng Diyos. Humihigpit ang ating relationship sa kanya. Kaya kung palagi tayong nagdarasal, darating ang panahon na hindi na gaano mahalaga kung ano ang hinihingi natin. Maaaring hindi na nga tayo humihingi kasi nakakasiguro na tayo sa kanyang pagmamahal sa atin na hindi niya tayo pababayaan at ibibigay niya ang mabuti sa atin sa panahon na kailangan natin. Kahit na wala na tayong hinihingi, patuloy pa rin tayong nagdarasal kasi dito nararamdaman natin na malapit siya sa atin at nararamdaman natin ang pagpapalitan ng ating pag-iibigan sa kanya. Kaya magdasal tayo lagi hindi dahil na bingi ang Diyos o nagpapabaya siya. Magdasal tayo lagi kasi naglalambing tayo sa Diyos na mahal natin at nagmamahal din sa atin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 23,100 total reads

 23,100 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 103,578 total reads

 103,578 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 197,805 total reads

 197,805 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 258,294 total reads

 258,294 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 270,998 total reads

 270,998 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily August 23, 2026

 2,745 total reads

 2,745 total reads 21st Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 22:19-23 Rom 11:33-36 Mt 16:13-20 Nauuso ngayon ang paggawa ng mga survey upang malaman ang

Read More »

Homily August 16, 2026

 10,987 total reads

 10,987 total reads 20th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 56:1.6-7 Rom 11:13-15.29-32 Mt 15:21-28 Noong kapanahunan ng Lumang Tipan, ang mga Hudyo ay mapangmata

Read More »

Homily August 9, 2026

 19,322 total reads

 19,322 total reads 19th Sunday in Ordinary Time Cycle A 1 Kgs 19:9.11-13 Rom 9:1-5 Mt 14:22-33 Siguro naman gusto nating makipagtagpo sa Diyos? Siyempre Oo,

Read More »

Homily August 2, 2026

 26,958 total reads

 26,958 total reads 18th Sunday of Ordinary Time Cycle A St John Mary Vianney Sunday Is 55:1-3 Rom 8:35.37-39 Mt 14:13-21 Ngayong Linggo ay St. John

Read More »
Scroll to Top