555 total views

Mga Kapanalig, ayon sa 2022 Commitment to Reducing Inequality (o CRI) Index Report ng Oxfam at Development Finance International, nanatiling mahina ang pagtugon ng pamahalaan sa hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa bansa. Sinusukat ng CRI index ang mga ginagawang tugon ng pamahalaan upang sugpuin ang inequality batay sa tatlong aspeto: paggastos sa mga pampublikong serbisyo (o public services spending), pagbubuwis (o taxation), at karapatan ng mga manggagawa at pasahod (o labor rights and wages). Batay sa report, pang-102 ang Pilipinas sa 161 na bansa pagdating sa paglaban sa inequality.

Sa public services spending, bumagsak sa 106 ang posisyon ng Pilipinas mula sa 99 noong 2020. Ayon pa sa report, bagamat tinatayang 20% ng badyet ng pamahalaan ay ginugugol sa edukasyon, kalusugan, at social protection, maliit pa rin ito kumpara sa mga karatig-bansa natin sa Asya. Kumpara sa 2020 CRI Index Report, bumaba ng halos 15% ang badyet para sa edukasyon, samantalang bahagyang tumaas ang badyet para sa kalusugan at 28% naman ang itinaas ng sa social protection. Para kay Lot Felizco, Oxfam Philippines director, sa gitna ng pandemya, nakadidismaya ang gastos-pangkalusugan ng pamahalaan kung saan mahigit 55% ng populasyon ang hindi naisasama sa coverage sa mahahalagang serbisyong pangkalusugan.

Sa usaping buwis, nasa 104 lamang ang ranggo ng Pilipinas. Mababang koleksyon ng buwis ang sinasabing pangunahing dahilan nito. Ayon sa report, 19% lamang ng potensyal na koleksyon ang nakukuha ng pamahalaan. Malayo ito sa 31% na average na potensyal na koleksyon sa Asya. Para sa Oxfam International, maaaring senyales ito ng malawakang hindi pagbabayad ng buwis ng mga mayayaman at mga negosyo at ng mahinang implementasyon ng mga patakarang may kinalaman sa pagbubuwis.

Sa lagay ng paggawa, pang-92 naman ang Pilipinas. Labis na nakababahala ang posisyon ng bansa pagdating sa paggalang sa karapatan ng mga manggagawa at unyon. Batay sa mga pamantayan ng International Labor Organization na ginamit sa report, ang Pilipinas ay nasa 146 sa 161 na bansa. Samantala, nananatiling nasa 13% lamang ng gross domestic product o kabuuang kita dito sa bansa ang minimum wage ng mga manggagawa. Inilalagay nito ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamababang minimum wage na maituturing na pag-abuso sa mga manggagawa.

Ang pagkakapantay-pantay ay tanda ng pare-parehong dignidad ng bawat nilikha ng Diyos. Naniniwala ang Simbahang lahat ay nilikhang kawangis ng Diyos kaya may pantay-pantay tayong dignidad. Hindi maituturing na kaunlaran ang pagpapasasà ng iilan sa kanilang yaman sa gitna ng paghihirap ng nakararami. Ito ay pagyurak sa dignidad ng tao at sa magandang plano ng Diyos para sa ating lahat. Katulad ng tanong sa 1 Juan 3:17: “Paanong mananatili ang pag-ibig ng Diyos sa sinumang maykaya sa buhay sa sanlibutang ito kapag nakikita niya ang kanyang kapatid na nangangailangan ngunit hindi naman niya ito pinakikitaan ng habag?” Samakatuwid, ang pagkakaloob sa tao ng nararapat sa kanila ay tanda ng pag-ibig at habag. Ito ay pakikipagtulungan din sa hangarin ng Diyos na makamit ang isang mundong kinikilala at itinataguyod ang dignidad ng lahat.

Mahalaga ang papel ng pamahalaan sa pagsigurong patungo tayo sa mundong ito. Nakita natin sa 2022 CRI Report ang mga bahaging kailangang pag-ibayuhin ng pamahalaan upang epektibong matugunan ang tumitinding inequality sa bansa. Nariyan ang masinop at sapat na paggastos sa mahahalagang pampublikong serbisyo, masigasig na pangungulekta ng buwis, at tunay na pangangalaga at pagsusulong sa karapatan ng mga manggagawa.

Mga Kapanalig, bilang mga Kristiyano, tungkulin nating labanan ang hindi pagkakapantay-pantay sa ating lipunan. Sama-sama tayong manawagan sa pamahalaan para sa maayos na mga pampublikong serbisyo, mahusay na sistema ng pagkolekta ng buwis, at makataong pasahod sa lahat ng manggagawa. Huwad ang kaunlaran kung marami ang naiiwang sadlak sa kahirapan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 34,010 total views

 34,010 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 39,428 total views

 39,428 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 46,135 total views

 46,135 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 60,930 total views

 60,930 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 67,086 total views

 67,086 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 34,011 total views

 34,011 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 39,429 total views

 39,429 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 46,136 total views

 46,136 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 60,931 total views

 60,931 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 67,087 total views

 67,087 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 40,552 total views

 40,552 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 51,136 total views

 51,136 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 59,353 total views

 59,353 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 43,586 total views

 43,586 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 49,562 total views

 49,562 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 52,655 total views

 52,655 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 42,360 total views

 42,360 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 43,248 total views

 43,248 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 58,551 total views

 58,551 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 70,960 total views

 70,960 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top