Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ika-35 taon ng pagkakahirang bilang Santo San Lorenzo Ruiz, binigyang pagkilala ng lungsod ng Maynila

SHARE THE TRUTH

 824 total views

Kinilala ng pamahalaang lunsod ng Maynila si San Lorenzo Ruiz bilang isa sa natatanging Manileño na naghatid ng karangalan sa lunsod.

Sa paggunita ng ika-35 anibersaryo ng pagiging santo ni San Lorenzor Ruiz, ipinagkaloob ng lunsod ang very special distinction sa santo sa pamamagitan ng Resolution No. 181 na iniakda ni Councilor Niño dela Cruz.

Pinagtibay ng konseho ng Maynila ang panukala noong September 27 sa bisperas ng kapistahan ni San Lorenzo Ruiz kung saan binigyang diin ang karangalang dala ng banal para sa lungsod ng Maynila dahil sa paninindigan sa pananampalatayang kristiyano.

“Resolution No. 181 declared San Lorenzo Ruiz’s canonization as “a proud moment for the city” and described him as “an extraordinary Manileño” who’s worthy of admiration and recognition now and beyond.” ayon sa ibinahaging pahayag ng Minor Basilica and National Shrine of San Lorenzo Ruiz.

Ang pagkilala ay pinangunahan ni Manila Mayor Ma. Sheila Lacuna- Pangan kasama si Vice Mayor Yul Servo at council members na ginanap sa Minor Basilica and National Shrine of San Lorenzo Ruiz sa Binondo Manila noong October 14 kasabay ng enthronement ceremony.

Si San Lorenzo Ruiz ang kauna-unahang santong Pilipino na pinaslang sa Nagazaki Japan dahil sa paninidigan sa pananampalataya kasama ang iba pang mga martir.

October 18, 1987 nang ganapin ang canonization ng Pilipinong banal sa Vatican sa pangunguna ni noo’y santo papa, St. John Paul II.

Si San Lorenzo Ruiz ay tinaguriang pintakasi ng kabataang Pilipino, OFW, at mga altar server.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 74,668 total views

 74,668 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 82,443 total views

 82,443 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 90,623 total views

 90,623 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 106,204 total views

 106,204 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 110,147 total views

 110,147 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top